"Thank you Prof. Sobra niyo naman po akong pinupuri." aniya.Diretsong umupo si Prof, Leo sa tuyong damuhan, habang ang mga mata nito ay nakatitig sa kumikinang na ibabaw ng lawa.Marahan nitong sinabi, "Alam mo, napakalapit lang ng pagitan ng isang henyo at ng isang baliw. Marami na akong nakitang artista na madalas ay nawawala sa sarili kapag lumilikha.""Nakakaramdam sila ng kung ano-anong imahinasyon," patuloy ng propesor sa malalim na tono. "Minsan, sa sobrang lalim ng sining, hindi na nila mapag-iba ang katotohanan sa ilusyon."Lumingon si Lexie para tingnan ito, hindi lubos na nauunawaan ang ibig nitong sabihin. Nagtatalo ang kaniyang isip kung pang-aaliw ba ito o iniisip din ng guro na nababaliw na siya katulad ng tsismis ng iba.Lumingon si Prof, Leo sa kaniya at mahinang natawa nang mapansin ang kaniyang reaksyon."Pero sa mga gawa mo ngayon, nakakakita ako ng init, ng kulay, at higit sa lahat... ng pag-asa." Huminto ito sandali, bago idinagdag, "At ang nararamdamang ito ay
Read more