"Ha.. hindi k..." Ibinuka ni Lexie ang kaniyang bibig, ngunit bigla siyang nawalan ng isasagot.Kahit siya ay hindi maintindihan ang sarili. Bago ito lumitaw sa hotel, maayos naman ang kaniyang ginagawa. Wala siyang taranta, takot, o pakiramdam na naapi siya nina Samantha.Ngunit sa sandaling pumasok si Kaizer sa pinto, hindi na niya mapigilan ang labis na pagtatampo sa kaniyang puso. Gustong-gusto niya itong yakapin at biglang maiyak.Bahagyang bumanat ang manipis na labi ni Kaizer. Ang mababa at paos niyang tinig ay tila nag-aalo ng isang bata."You can cry if you want to. I won't laugh at you."Alam niyang may sakit ito, at nangyari pa ang ganoong gulo sa hotel. Natural lamang na matakot ito at maghanap ng masasandalan. Maaari itong umiyak sa kaniyang bisig, at gagawa siya ng paraan para mapatahan ito."Hindi ako iiyak," pagmamatigas ni Lexie.Medyo masakit pa rin ang kaniyang ilong, ngunit matapos marinig ang asar ng lalaki ay napanguso siya."Sabi kaya nila, ang mga luha ay perla
Read more