Simple lang ang suot niya ngayon, isang puting dress na abot hanggang tuhod, bagay na bagay sa kanyang maamong mukha.“Happy birthday, princess,” malambing na bati ng kanyang ina sabay abot sa kanya ng isang maliit ngunit magandang backpack. Simple lang ang disenyo nito ngunit halatang pinag-isipan at pinili nang maingat.“Thank you, Mama,” nakangiting ani ni Lexie habang yakap ang regalo. Ramdam niya ang init ng pagmamahal mula sa pamilya.“Medyo sinumpong ng sipon ang Lola Felisa mo kagabi,” dagdag ng kanyang ina habang naghahanda ng meryenda. “Kaya hindi siya nakauwi rito sa bahay. Baka mamayang hapon, pumunta tayo sa kanya para mabisita mo rin.”Natigilan si Lexie, bahagyang napakunot ang noo sa pag-aalala. “Si Lola… okay lang po ba talaga siya?”Tumango ang kanyang ina upang pakalmahin siya. “Medyo nanghihina lang dahil sa panahon, pero gustong-gusto ka niyang makita ngayon dahil birthday mo.”Naging tahimik si Lexie. Sa kanyang isip, unti-unting sumulpot ang mga alaala nitong mg
Read more