SA MANSION NG MGA Robles ay kadarating lang ng kanilang haligi ng tahanan, isang business man na palaging may out of town business, si Roberto Robles. Minsan lang ito umuwi sa mansion nila, kung saan wala itong pahanon sa nag-iisa nitong anak na si Leticia. Ibinibigay nalang niya dito kung anong kailangan nito, at gusto dahil iyon ang alam niya sa pagpapakita kung paano maging ama."Maligayang pagbabalik po, Mr. Roberto." pagbati ng mga katulong kay Mr. Robles.Wala na itong asawa, namatay sa sakit na cancer ang ina ni Leticia. Dahil sa pagkawala ng ilaw ng kanilang tahanan ay doon nabusy at nagfocus si Mr. Robles, dahilan upang mapabayaan nito ang kaniyang anak."Where's Leticia? Hindi ba niya alam na ngayon ang uwi ko galing Brazil?" tanong nito sa mga katulong."Si Ms. Leticia po ay---"Hindi natapos ng isang katulong ang sasabihin niya nang marinig nila ang malakas na mga pagkalabog sa ikawalang palapag. Napatuon ni Mr. Robles ang tingin niya sa may ikalawang palapag."What's happ
Last Updated : 2026-01-10 Read more