"Are you sure okay ka na?""Oo, salamat pala sa paghatid mo sa akin dito sa ospital, naabala ko pa kayo ng pamangkin mo."Binalingan ng tingin ni Tristan ang ospital kung saan nalaman niya kay Isabella na naka confine dito si Spade after ng operasyon nito. At nagulat siya na ang dahilan ng pag-iyak ni Isabella ay nawala ang alaala ni Spade at hindi ito maalala.Ang totoo nagulat si Tristan ng malaman niyang kasal na si Isabella kay Spade, pakiramdam ni Tristan talo na talaga siya, pero dahil sa kondisyon ni Spade gusto bi Tristan na maging sandalan ni Isabella."Sa dami ng puwedeng makalimutan ng lalaking 'yun, bakit ikaw pa?" saad na kumento ni Tristan na bahagyang ikinangiti ni Isabella."Hindi naman niya ginusto na mawalan siya ng alaala, na hindi niya ako maalala. Tsaka, alam ko naman na maalala niya rin ako.""When can i see you again, tita ganda?" inosenteng tanong ni Marie mula sa backseat na ikinangiting ikinasilip ni Isabella dito."Anytime Marie, ipapakilala kita sa anak ko,
Last Updated : 2026-01-29 Read more