Celeste's POV: Kasama ko si Hannah ngayon sa VIP room sa isang sikat na hotel. Nandito ang make-up artist at isang assistant para sa gown. Kakatapos lang mag-make up sa akin at hinuhugasan na ng make-up artist ang mga brushes habang ang gown assistant naman ay nasa kabilang kwarto, sinisiguardong maayos ang susuotin ko mamaya. "How's the invitation I've given to you?" Tanong ni Hannah sabay lumapit sa akin na nakaupo sa harap ng vanity mirror. Sumandal s'ya sa salamin habang nakatingin sa akin. "I've given it to someone special," sagot ko na hindi man lang s'ya tinapunan ng tingin. Nanatiling nakatingin ako sa salamin, tinitignan ang make-up sa akin. Simple lang ang make-up ko pero bawing bawi ang kulay ng labi ko na glossy red, para itong strawberry. "I'm glad you catches up. He was actually delighted to received it," sagot n'ya habang tinitignan ang mga make-ups sa lamesa. "You almost deceived me with that innocent face, Hannah," madiin kong sambit at ngayon ay tinignan ko s'ya
最終更新日 : 2025-12-19 続きを読む