LOGINNakipaghiwalay si Celeste sa nobyo nang masaksihan n’yang may kahalikan itong ibang babae. Naglasing s’yang mag-isa at habang pauwi ay may nasaksihan s’yang hindi magandang pangyayari. May isang lalaking pinagtutulungan ng tatlong nakaitim na damit. Nang makita n’ya ang mukha ng lalaking nakahandusay sa sahig ay agad s’yang sumingit sa eksena. Niligtas n’ya ito at inuwi sa isang hotel room para gamutin. Dahil sa pangyayaring ito, naging malapit ang loob ng lalaki sa kan’ya. Kinabukasan, pumasok na si Celeste sa trabaho bilang isang office worker sa Horton Incorporation. Pilit na nakikipagbalikan sa kan’ya si Henry pero saktong bumalik na ang CEO, ang uncle ng ex-boyfriend n’ya na nawala ng isang taon at ito ay walang iba kung hindi si Liam Horton, ang niligtas ni Celeste. Binalaan n’ya si Celeste na nasa panganib ang buhay n’ya dahil sa ginawa n’ya kaya naman inoperan s’yang pakasalan ni Liam para sa kan’yang proteksyon. Mabilis namang tinanggap ni Celeste ang offer dahil simula una pa lang ay ito na talaga ang kan’yang plano. Ang pasukin ang buhay ng mga Horton, ng pamilyang Mafia para mag-spy sa kanila dahil si Celeste ay anak ng kalaban nila na pinadala ng tatay nito. Pero paano kung sa misyon na ito ay mahulog ang loob n’ya kay Liam na ngayon ay mahal na mahal na rin s’ya? Makakaya n’ya bang ipaglaban ang nararamdaman o tuluyang pagtataksilan si Liam?
View MoreCeleste’s POV: “Are you hurt?" tanong ni Liam habang nakatingin sa side mirror. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?" naguguluhan kong tanong. "I will explain everything later. Right now, I want to know whether you're hurt or not." Seryoso ang aura n'ya habang nagda-drive. This is the first time I've seen him this serious. Napalingon ako sa likod at nakitang hinahabol parin kami at tatlong motor na ito. Kasama na sa humahabol ang naka-face mask na mukhang leader nila."I'm okay." Umayos ako nang upo. "Remember what I've told you before?" tanong n'ya. "That your life is in danger." Iniliko n'ya ang sasakyan sa kanan at mabilis na pinaandar ito. "And that we'll have to meet frequently?" Paano ko sasabihin sa kan'ya na ang mga humahabol sa amin at ang nangbugbog sa kan'ya ay mga tauhan ng ama ko? Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. I can't tell him my secret. I can't tell him that I am a daughter of an illegal and cruel man. Nabalik ang pag-iisip ko sa nangyayari ngayon na
Celeste's POV: "Omg, ipapakilala na daw yung magiging bagong CEO natin," excited na sambit ni Reese habang naglalakad kami papunta sa parking area. "I heard some rumors na he's handsome and really tall plus maganda katawan!" "Yung laway mo, baka tumulo," biro ko sa kan'ya sabay huminto sa tapat ng sasakyan n'ya. "Parang nagbago isip ko, ayaw na kitang isabay-""Joke lang. Ito naman, hindi mabiro.""Whatever, hmp." Pumasok na kami sa sasakyan n'ya at nagsimula na s'yang mag-drive. Ihahatid niya ako malapit sa tinutulyan ko dahil nasa car repair ang sasakyan ko. Bigla kasi na flat kahapon at pakiramdam ko ay si Henry ang may gawa non. Pano ko nalaman? nag-text siya sakin at nag-aya na ihatid ako. Napabuntong hininga ako sabay napasandal. Hindi ko na lang ginawang big deal ang ginawa n'ya. I don't want to waste my time on him. For sure magsasawa naman s'yang magpapansin sa akin. "Loko-loko talaga 'yang ex mo no?" natatawang pagbasag sa katahimikan na sambit ni Reese. "Mayaman nga pe
Celeste's POV: "Lunch break!" Masayang sambit ni Reese sabay nag-unat at tumingin sa akin nang nakangiti. "Alam ko na 'yang tingin mo na 'yan," agad kong sagot sa kan'ya. "I can't eat out. Nagtitipid ako," tanggi ko sa aya n'yang kumain sa labas. S'ya si Reese at s'ya lang ang madalas kong nakakasama at nakakausap dito sa trabaho ko dahil masyado nang workaholic ang mga katrabaho namin at dahil siguro ay mga pamilyado narin. "But, minsan lang naman-" hindi ko pinatapos ang sasabihin n'ya. Sinara ko ang puting folder na naglalaman ng sales report namin sabay tumayo, "I'll head to the cafeteria. Eat out if you want but out ako d'yan." Sumuko naman na s'ya sa pagpilit sa akin at nagsimula na akong lumabas ng office. Paano ba naman, tatlong beses sa iang linggo s'ya magyaya kumain sa labas at hindi lang basta-basta kainan, expensive restaurant pa. Actually, afford ko naman pero mas gusto ko lang rin mapag-isa ngayon lalo na't kakagaling ko lang rin sa break up. Wala akong gana at ener
Celeste's POV:Nasa hotel kami ngayon ng lalaking niligtas ko dahil ayaw n'yang magpadala sa hospital. Naglakad ako papalapit sa kan'ya na mahimbing ang tulog sa kama habang bitbit ang yelo na binalutan ko ng towel. Umupo ako sa gilid atsaka pinagmasdan ang mukha n'ya. Itim ang buhok n'ya na may pagkamahaba, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mahaba ang pilik mata. Sa totoo lang ay mukha s'yang artista dahil sa kagwapuhan n'ya. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na hindi s'ya isang ordinaryong tao lalo na't ayaw n'yang magpatawag ng mga police. Marahan kong dinampi ang towel sa pasa n'ya sa mukha. Habang ginagawa ito ay naalala ko ang sinabi n'ya kanina sa akin na nasa panganib ang buhay ko dahil sa pagligtas ko sa kan'ya. Hindi kaya sindikato s'ya? O may kinalaman sa mga illegal business? Napabuntong hininga na lang ako at ipinagsantabi ang iniisip. Matapos kong gamutin ang sugat n'ya ay naalala ko ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ng jeans ko at sinubukang buksan
Celeste's POV: Dali-dali kong pinarada ang sasakyan at pumasok sa isang club kung nasaan ang boyfriend ko. Habang naglalakad ay sinusubukan ko s'yang kontakin dahil simula kaninang umaga ay hindi na s'ya sumasagot sa akin. Nagkaroon kasi kami ng away at halos isang linggo na kaming hindi okay. "Come on, pick up," mahinang sambit ko na para bang nawawalan na ako ng pag-asa. Nang makarating ako sa loob ay napahinto ako. Sobrang daming tao, maingay at madilim kaya naman nahihirapan akong makakita. Nang may makabangga sa akin na babae ay nabitawan ko ang phone ko na lumagapak sa sahig. "Why are you even standing in the middle?" mataray na sambit nito sabay umirap at naglakad papalayo. Napalunok ako at pilit na pinipigilan ang luha na kanina pa gustong tumulo. Inabot ko ang phone ko at nakitang crack ang screen nito, hindi na rin bumubukas. Napabuntong hininga ako at pagtingala ko ay saktong nakita ko si Jacob na kaibigan ng boyfriend ko. May kasama s'yang isang babae na mahaba ang bu



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments