Celeste’s POV:“Good morning Sir Liam,” bati ng mga empleyado na nakakasalubong namin pagkalabas namin sa elevator at tumatango lang naman si Liam bilang sagot sa kanila. Nandito na kami ngayon sa building ng company, naglalakad sa isang napakahabang hallway papunta sa office n’ya. “Celeste!” Nang may kumalabit sa likuran ko ay napahinto ako at napalingon. “Bakit nandito ka sa 23rd floor?” Nakakunot noong tanong ni Reese habang may yakap-yakap na puting folders. “Teka, sino ‘yang kasama mo-“ hindi n’ya natapos ang sasabihin nang mapalingon na rin si Liam sa kan’ya. “I’ll give you a minute to talk to your friend,” mahinang bulong ni Liam sa akin tapos ay humakbang papalayo sa amin habang nakatingin sa kan’yang relo. “Who’s that?” Nakangiting tanong ni Reese habang sinisilip si Liam, “pogi ah? Matagal naba s’ya nagtatabaho dito? Bakit ngayon ko lang s’ya nakita?” “Teka, isa-isa lang.” Sunod-sunod ang tanong n’ya at hindi ko alam kung papaano sasabihin kung sino si Liam dahil hindi
Last Updated : 2025-12-10 Read more