"Kuya, I'm sorry. Can you promise me that you won't get mad?" maluha-luhang tanong ni Micah sa seryosong anyo ng kapatid."Depende sa sitwasyon, Micah. Alam kong kilala mo na ako," tanging sagot ni Mike sa kapatid.Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Micah. Bumitaw muna siya sa pagkakayakap sa kapatid, tinungo niya ang veranda para makalanghap ng sariwang hangin, samantalang si Levi naman ay binigyan niya ng privacy ang dalawang magkapatid para makapag-usap ng maayos.Nakasunod lang si Mike sa kapatid, naghihintay sa anumang sasabihin nito. Pagdakay, humarap ito sa kaniya. "Nabuntis ni Hugo ang dati niyang girlfriend, at ngayo'y nasa ospital siya, kung saan nag-aagaw buhay ang kaniyang anak, hindi ko maatim na magalit sa bata dahil labas siya sa gulong ito. Pinaliwanag na sa'kin ni Hugo ang lahat. And I do believe him, I trust him, and I love him," paliwanag niya sa kapatid na ngayo'y nakakuyom ang dalawang kamao. Agad na nilapitan niya ang kaniyang kuya, at hinaplos a
Last Updated : 2025-11-19 Read more