Arabelle's Point Of ViewLumingon ako sa paligid. Puting pader. Malamig na hangin. Pero ang hinahanap ko ay wala rito. Ang lalakeng dapat ay nakahawak sa kamay ko, ang lalakeng nagsabing magsasama kami! At lalaking nangakong babawi siya, sa loob ng limang taon nawala siya… pero wala. Wala siya.Kinapa ko ang aking tiyan. Pakiramdam ko ay masyado itong malambot, o masyado akong nag-iisip. Pakiramdam ko, wala ang pamilyar na bigat.Napatingin ako kay Nanay. Nakatingin lang ito sa akin, habang nagsisimula na namang umiyak.“Nay…” garalgal ang boses ko, pilit na pilit. Halos maubos ang lakas ko sa pagsasalita lang. “Nay, s-sumagot ka…”Pinilit kong hawakan nang mahigpit ang braso ni Nanay, “N-nay, ang b-baby ko?”“Nay…” ramdam ko ang pag-agos ng sarili kong luha. “N-nay, si Logan? Nasaan si Logan?”Kita ko ang sandaling paghugot ng malalim na paghinga ni Nanay, kasabay ng pagpasook ng doctor.“Ms. De Diego,” tawag nito sa akin, “Your baby is okay, It’s actually a miracle. Your baby is inde
Last Updated : 2026-01-14 Read more