Mirella’s POV Desidido na ako. Aagawin ko si Cassian mula sa babaeng iyon at aalamin ko ang lahat ng sikreto niya. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung bakit parang may koneksyon siya sa aksidente… at kung bakit, sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko may inaagaw siyang hindi lang buhay ko, kundi pati ako. Napahinto ako sa gitna ng pag-aayos nang marinig ko ang malakas na sigaw mula sa labas. “Hoy! Ang tagal mo riyan! Lumabas ka na at baka malate pa tayo sa launch! Paimportante ka masyado!” Mariin akong napapikit. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko ang itsura ng mukha niya ngayon, may halong inis at yabang, na para bang siya ang may karapatan sa lahat ng bagay na pinaghirapan ko. Sabit lang naman siya rito sa Cebu! “Sandali lang,” sagot ko, pinipigilan ang inis sa boses ko. Huminga ako nang malalim bago tuluyang humarap sa salamin. Ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili ko, ang mukhang alam kong hindi saakin at maaaring mawala sa kahit anum
Read more