Isang umaga, pagod at may pasa sa tuhod, nagising si Mirella sa malamig na dampi ng hangin. Mabigat ang talukap ng mga mata niya. Nang tuluyan niyang maimulat ang mga mata, hindi niya nakita ang gintong kurtina ng kanyang silid, ni ang malambot na kama kung saan siya madalas gumising. Sa halip, naroon siya sa isang makitid na kwarto, may sira-sirang aparador, amoy ng sabon, at liwanag mula sa isang bombilyang kumikislap. Ang sahig ay malamig na semento, at sa tabi ng kama, may lumang timba at mop. Nang mapatingin siya sa salamin, muntik na siyang mapahawak sa dibdib. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kaniya ay hindi naman talaga siya, ngunit hindi na siya ang babaeng dating nakasuot ng mga alahas at silk na damit. Nakasuot siya ng uniporme ng kasambahay—puti at abong kulay na may kupas na burda sa laylayan. Sa kanyang dibdib nakasabit ang name tag na “Lea”. Nanginig ang kanyang labi. “Ano ’to...?” mahina niyang tanong. “Gising ka na pala, Mirella.” Mabilis siyang napalingon. Sa
Last Updated : 2025-11-10 Read more