Tasya's Point of View Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. "Tasya, nilalamig ka ba?" tanong ni Trisha. Balak niyang babaan ang aircon pero nauna na si Dominic gawin iyon. "Thanks, Babe..." aniya nang napansin niyang humawak si Dominic sa button para tuluyang patayin ang aircon. Hindi din nakaligtas sa paningin ko iyon dahil kahit nilalamig na ay nasa kaniya pa rin ang atensiyon ko. The car stops dahil red light. Napansin kong inalis ni Dominic ang coat niya. "Use this to cover yourself," sabi niya. Ibinato niya iyon kung nasaan ako. Pinulot ko iyon. Bahagyang sinamyo ko pa at ipinatong sa sarili ko. Bakat ang suot kong bra dahil sa pagkabasa ko kanina. "Dom, can you bring me home first. Masama talaga ang pakiramdam ko..." malambing na saad ni Trisha nang umandar na muli ang sasakyan. "Pero..." "Please, Babe. Mas mauna naman ang bahay kaysa sa apartment ni Trisha. Unahin mo na lang akong ihatid, please. Is that okay, Tasya?" Biglang tanong niya sa akin. "Whatever," sago
Huling Na-update : 2025-11-20 Magbasa pa