Kabanata 12: HateNagpatuloy na ako sa paglabas at piniling magkulong sa kuwartong pinanggalingan kanina. Wala pang ilang minutong nakakalipas ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan.May hinala na akong baka si Sha iyon, at dahil inis pa ako sa kaniya ay hindi ko na siya pinagbuksan.Si Niko... siya ang naiisip ko ngayon.Ano na kaya ang naiisip niya tungkol sa nangyayari sa akin ngayon?Galit ba siya, o ‘di kaya ay nalulungkot kasi wala siyang magawa para iligtas ako rito?Siyempre, nalulungkot siya ngayon... ganoon ako kaimportante sa kaniya, e.Siguro kung buhay pa siya, malabong mangyari ito sa akin.Hindi sana ako magkakaproblema sa pera. Bukod doon, baka wala akong kontratang pinirmahan kanina.O kung gawin man ‘to sa akin ng kapatid niya kahit buhay pa siya, panigurado magagalit siya nang matindi sa satanas niyang kuya kahit hinahangaan niya iyon.Para kasi sa kaniya, ako ang nangunguna sa priority niya bago ang lahat. Iyon lang, at hindi niya maiwan-iwan ang kinalakhan na nil
Last Updated : 2025-11-09 Read more