ATASHA “Alright, dismiss…” saad ni Sir Wade at bigla naman akong kinalabit ni Rosenda. “Atasha, may gagawin ka ba ngayon? tara sa bar ko may event kami, free cocktail drinks!” “Talaga?” “Oo! oh paano? sama ka?” “Sige… pero sandali lang ako ah…” “Okay, halika na! sa kotse ko na ikaw sumakay!” pag-aaya niya at iginiya ako sa parking lot. Pagdating namin doon ay pinasakay niya ako kaagad. “Wow, ang ganda ng kotse mo, Rosenda! is this a…” “A Porsche? yes! gift ‘to sa akin ng daddy ko noong nag 18 years old ako!” masayang saad niya at nagmaneho na. “Hindi ba’t mayaman din ang daddy mo? pwede kang magpabili ng kotse sa kanya!” “Ay, hindi na, hindi naman ako marunong magdrive eh…” “Oo nga pala, hatid-sundo ka pala ng driver niyo, ano? pero teka… hindi ka ba susunduin ngayong araw?” Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Actually, tumakas lang ako eh…” saad ko sa kanya at napakamot ng ulo. “My kind of girl! okay lang naman magpasaway kahit minsan lang! ako nga palagi eh!
Terakhir Diperbarui : 2025-12-14 Baca selengkapnya