Kinabukasan, hindi pa man sumisikat nang maayos ang araw ay nasa opisina na si Silas.Halos hindi siya nakatulog kagabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang pangalan ni Marcus Hale.Sa loob ng maraming taon, pinagkakatiwalaan ito ng kanilang pamilya. Siya ang taong palaging tinatawagan ng kanyang ama kapag may legal na problema. Siya rin ang isa sa mga taong tumulong sa pag-aayos ng ilang negosyo ng pamilya.Kung totoo ang hinala nila, ibig sabihin, matagal nang may taong nasa loob mismo ng pamilya na kumikilos laban sa kanila.At mas nakakatakot iyon kaysa sa isang kalaban na nasa labas.Nang dumating si Xiandra, nakita niya agad si Silas na nakaupo sa harap ng computer.“Hindi ka umuwi?”Napatingin siya.“Umuwi ako.”“Hindi ka natulog.”“Medyo.”Napailing si Xiandra.“Silas, 'yung mukha mo parang tatlong araw ka nang walang tulog.”“Salamat sa concern.”“Hindi compliment 'yon.”Bahagya siyang ngumiti.Umupo si Xiandra sa tapat niya.“Ano'ng ginagawa mo?”“Sinusundan ko ang per
Read more