Pagkasabi ni Marcus ng mga salitang iyon, muling bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan.Hindi na sumagot si Sheena.Nakaharap lamang siya sa bintana, pinagmamasdan ang madilim na kalsadang tinatahak nila. Ang ilaw mula sa mga poste ay panandaliang tumatama sa kanyang mukha bago muling nilalamon ng dilim.Samantala, tahimik ding nagmamaneho si Marcus.Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya mukhang inaantok.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Sheena.“Iyon ang kayamanang ibinigay sa akin ng mama ko.”Kayamanang hindi mabibili ng pera.Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya maalis sa isip ang mga salitang iyon.Matagal nang nakasanayan ni Marcus na kapag may gusto siya, binibili niya.Kapag may problema, pera ang ginagamit niya para ayusin.Kapag may taong hindi niya gusto, sapat na ang isang tawag para mawala ito sa kanyang paningin.Pero ngayon, isang babaeng laki sa hirap ang nakapagparamdam sa kanya na siya ang taong pinakamahirap sa mundong ito.Wala siy
Read more