Biglang kumupas ang ngiti at mataas na kumpiyansa ni Vanessa nang marinig ang tanong na iyon ng manager.Dahil ba wala si Chloe, ay wala na ring gana ang kabilang panig na makipagkita sa kanila?Pero imbes na magpakita ng kaba, inisip niyang ito na ang kanyang pagkakataon. Hindi niya dapat ito palampasin pa. Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita si James at buong tapang niyang sinabi,“Sa ngayon ay naka-leave pa si Miss Chloe. Isa rin ako sa mga managers ng ALC Corporation, at kaya kong hawakan ang proyektong ito. Habang hinihintay ninyong bumalik si Miss Chloe, maaari ninyong tingnan at review-hin ang proposal ko.”Ipinasa niya agad sa assistant ang proposal na pinagpuyatan niya buong gabi.Nag-alinlangan pa sandali ang assistant, pero tinanggap pa rin ito bilang paggalang.Kumpiyansa si Vanessa na kapag nakita ng mga ito ang husay niya, pagsisisihan nila ang malamig na pakikitungo sa kanya.Sinabi rin ni James, “Hindi lang si Chloe ang mahusay sa team namin. Pakiusap, iparatin
Last Updated : 2025-11-27 Read more