Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a
Last Updated : 2025-12-18 Read more