MasukHindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a
“I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo
Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kanya para mangilag.Ito nga ba ang kapatid ni Dominic? Ito ang Apollo na madalas maikuwento sa kanya ng kasintahan niya?Catalina stared at his face intently. Katulad ni Dominic ay magandang lalaki rin ang kapatid nito at halata ang pagkakaroon ng dugong banyaga. Though, she would admit, the man she’s staring at that moment was much good-looking than her boyfriend.Kasintahan niya si Dominic at para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang lalaki. Pero hindi niya pa rin maitatangging may kakaibang karisma ang kapatid nitong si Apollo.He has dark eyes paired with long lashes. Matangos ang ilong nito katulad ni Dominic. He also has fair complexion that you could easily say that he has foreign blo
“What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang paningn kabaong ng kanyang kapatid na ngayon ay nakaburol sa malawak na sala ng malaki nilang bahay. Dominic’s wake was exclusive only for those people who were close to them. Naidala na nga ito ngayon sa kanila matapos nilang maasikaso ang lahat sa ospital.Wala siyang planong patagalin ang pagburol dito. Sa makalawa ay nakatakda na ang cremation nito na dadaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at kaibigan lamang.Naikuyom niya pa ang kanyang kamay na may hawak ng isang kopita ng alak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa silang malinaw na detalye sa kung sino ang pumatay kay Dominic. Ayon sa awtoridad na may hawak ng nangyaring krimen, maaaring robbery ang dahilan ng pamamaril sa kapatid
“Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nitong nilalabasan ng kayraming dugo dahil sa pamamaril ng lalaking nakamotor kanina.“Oh God, Dominic,” humihikbi niyang sabi sabay gala ng paningin sa kanyang paligid. “Tulungan ninyo kami! Please, tulungan ninyo kami!”Marami nang tao sa paligid. May ilan na napapatingin para makiusyoso. Ang iba naman na mga nagtago nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay lumapit na rin sa kanya para tingnan si Dominic. Pati ang ilang kumakain sa restaurant kung saan sila dapat maghahapunan ng kanyang nobyo ay nagsilabasan para alamin kung ano ang nangyari.One man instantly approached them. “Dalhin na natin siya sa ospital,” saad nito sa nagmamadaling tinig.Hindi na siya tumanggi pa sa pagtulong







