Malungkot ang lakad ni Gabriela Gutierrez sa lobby ng Luxe Life Magazine. Kasama niya sina Joshua, Zoila, Miggy, Nicolas, at Amanda, ngunit kahit maingay ang mga kaibigan niya, parang wala siyang energy.“Ang tagal ng araw ko… at ang sama ng pakiramdam ko,” bulong niya habang hawak ang bag.“Gab, ano nangyari?” tanong ni Zoila, agad nakasuporta.“Buong araw ko siyang tinatawagan… Love, Love, Love… at hindi siya sumasagot! At kung magre-reply man, tipid lang… two words lang… parang nagagalit pa sa akin o busy sa business,” sabi ni Gabriela, halos maiyak sa frustration.“Uy… baka naman naumay na sa’yo si Sir Cesar,” hirit ni Joshua, tumatawa habang pinupuno ang drama niya.“O baka bumalik na siya sa pagiging… business-minded na CEO? Wala nang kilig moments?!” dagdag ni Miggy.“Baka!” sabay tumili si Nicolas, “Baka masyado siyang busy sa Opulence Hotel, at nakalimutan ka.”“Hay naku… alam niyo ba… pakiramdam ko… wala na siyang pakialam sa akin,” malungkot na sambit ni Gabriela, bitbit a
Terakhir Diperbarui : 2025-12-06 Baca selengkapnya