Sa loob ng Han Mansion, muling nagtipon ang magkakapatid para sa isang masaganang hapunan. Kumpleto silang lahat sina Eachen, Clifford, Wade, at Blane kasama si Melissa at ang kanyang anak na si Aliyah na masayang nakaupo sa gitna, tila ba siya ang sentro ng buong hapag-kainan. Masigla ang gabi ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ng magkakapatid ang pagbabago. Mas madalas nang nakangiti si Blane, mas malapit na ito kay Melissa. At mas halata na ang pagiging maalaga nito, hindi na lamang sa bata kundi pati na rin sa kanya. Paminsan-minsan ay inaabot nito ang pinggan ni Melissa, kahit sa simpleng pag-abot ng tubig ay may kakaibang lambing na hindi naitago. Nagkatinginan sina Eachen at Clifford at sabay na ngumisi. "Nah, mukhang may ganap na tayo dito ah," pabirong sabi ni Eachen habang nakatingin sa kanilang dalawa. Napatingin siya kay Blane, bahagyang nailang ngunit bago pa siya makapagsalita, si Clifford naman ang nagsalita. "You looked like you already confessed your feel
Magbasa pa