Maagang nagtipon ang lahat ng contestants sa design studio ng Han Group. Hindi iyon ordinaryong workroom..Malawak ang buong studio, napapalibutan ng glass windows na pumapasok ang natural na liwanag. Nakahilera ang mga dress forms, sewing machines, fabric racks, at iba't ibang klase ng imported textiles mula sa iba't ibang bansa. Bawat contestant ay may sariling workstation. "Good morning, designers," bati ng host. "Congratulations for passing the Concept Challenge. Starting today, your approved sketches will finally come to life." Nagpalakpakan ang lahat. Napalunok si Melissa habang pinagmamasdan ang sketch na nasa harapan niya. This is really happening... Hindi na lamang ito drawing. Isa na itong obra na kailangan niyang buhayin. "Contestants, you have two days to finish your masterpiece." "Everything will be judged. Construction. Technique. Creativity. And craftsmanship." Tahimik siyang nakinig. Pagkatapos ng briefing, nagsimula na silang pumili ng fabrics. Isa-is
Read more