Hindi agad nakasagot si Melissa. Nanatili lamang siyang nakatitig kay Blane habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang tanong nito. "Do you still think I'm ruthless, cold, and intimidating?" Noon, oo. Sa unang pagkikita pa lamang nila, iyon na agad ang naging impresyon niya rito. Isang lalaking malamig, seryoso, at nakakatakot lapitan, ngunit habang tumatagal na nakakasama niya ito, mas lalo niya itong nakikilala. Lalo na nang malaman niyang ito pala si Dos, ang batang minsang naging kaibigan niya sa bahay-ampunan. Slowly, she began to see the things others failed to notice, the goodness in him, his quiet way of caring, and the sacrifices he silently made for the people who mattered to him. Oo, maaaring malamig ito pagdating sa negosyo. Maaaring nakakatakot kapag seryoso pero hindi ito masamang tao. In fact, Blane Han was one of the most genuine people she had ever met. Napansin yata nito ang matagal niyang pananahimik dahil bahagya itong ngumiti. "That long?"
Read more