Chapter 445 - Calvin, relax, this should be a happy dayDahil sa takot na mapikon si Princess, mabilis na pumagitna si Xia at bahagyang hinila si Princess sa likuran niya."Imposible iyan. Kung may fiancée si Mr. Calvin, siguradong sasabihin niya sa amin. Miss Mona, baka naman sabi-sabi lang ang narinig niyo...""Sino ka ba? Bakit ka sumasabat sa usapan naming magkapatid? At bakit naman ako magpapaliwanag sa iyo tungkol kay Calvin?" mataray na sagot ni Mona.Pakiramdam ni Mona ay pamilyar si Xia pero hindi niya ito matandaan. Inisip niya na baka tauhan lang ito sa Castro o dikit kay Erich. Tiningnan niya nang matalim ang suot ni Xia at tahimik na umirap. Sa isip niya, puro mga "nobody" lang ang sinasamahan ni Princess."Kaibigan ko siya, at siya rin ang kanang-kamay ni Erich sa kompanya, si Xia. Ang department nila ang mismong inimbita ni Calvin ngayon bilang mga VIP. Kaya mahiya ka naman kapag nagsasalita ka.""Heh, talaga? Napakabait naman pala ng kultura sa kompanya ng mga Castro,
Read more