PHILIP'S POVNapasuntok ako sa kama. Binaon ko ang mukha sa palad habang nakaluhod.Ano ba ang pinaggagagawa ko? Muntikan na.Humiga ako at napapikit ng madiin. "Hindi ko na pwede hayaan na maulit ito. Isang kalokohan ang mahalin si Heather, Philip."Kinausap ko ang sarili ko at pinipilit na kontrolin ang bugso ng damdamin. Dahil ayaw ko sirain ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa nararamdaman ko na ito.Hindi na lumipas ang ilang minuto, napamulat ako nang tumunog ang cellphone.Tumatawag ang lola ni Heather. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon?"Philip, speaking," bungad ko, nakahiga pa rin at nakalatag ang katawan sa higaan.Ilang sandali pa ay tahimik lamang siya na naging dahilan para mapakunot ang noo ko. "Hello?" Pero wala pa rin siyang sagot."Philip," sagot niya, "huwag mo na sa akin ibabalik si Heather, nagkakaintindihan ba tayo?"Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang sinabi niya."We already talked about this. Hindi ko pwede panatilihin sa ak
Last Updated : 2025-12-08 Read more