Naglakad si Philip papunta sa direksiyon namin, dahilan para mapatigil si Stephanie at Tita Hilda. Binitawan din nila ang pagkakahawak sa akin. "Oh! Nand'yan ka na pala. Itong babae na 'to sinabi niya na kaya siya nandito ay dahila gusto niya agawin sa'yo ang kumpanya. Kaya iyan, tinuruan namin ng leksiyon," panguna ni Tita Hilda na proud pa. Dahan-dahang naglakad si Philip papunta sa kinaroonan namin. Hindi ko masabi ang emosyon na meron sa mukha niya. Lahat kami ay nagulat nang bigla niya sampalin si Tita Hilda. "Ano bang—" "Hold them! Tight," utos niya sa mga lalaking naka-black na suit. Agad naman siya nitong sinunod. Hinawakan nila ng mahigpit ang dalawa at hindi na nakapalag pa. "Philip, gusto niya kunin sa'yo ang kumpanya. Gusto ka niya akitin, tingnan mo nga ang suot niya papunta dito. Magkakampi tayo dito, Philip," pagmamakaawa ni Tita Hilda. Si Stephanie naman, hindi nagpaawat. Nagpilit siyang lumuhod sa harapan ni Philip. "Philip, siya ang nauna. Sinaktan niya kami d
Last Updated : 2025-12-04 Read more