"Althea, saan ka na naman ba pupunta?" tanong ni Minerva sa akin.I was holding a birthday card na ibibigay ko sana kay Jorus kaya lang hindi ko siya nakita ngayong araw. Inikot ko na ang buong college building pero mukhang hindi nga siya pumasok.Napabusangot ang mukha ko ng lumingon kay Minerva na magkasalubong ang kilay sa akin kaya malungkot akong ngumiti at yumuko."Wala yata si Jorus...""Ay, ewan ko sa'yo, Thea! Habol ka nang habol doon, e, hindi ka naman no'n papansinin. Puwede ba, itigil mo na iyan!" inis niyang sinabi at nagmartsa palayo.Humaba ang nguso ko at tumitig sa hawak na card na may pangalan ni Jorus.Hindi ko na mabilang kung pang-ilang cards ko na 'tong bigay sa kaniya dahil halos lahat naman ng okasiyon ay binibigyan ko siya. Kaya lang... hindi ko alam kong binabasa niya ba o tinatapon lang.Minsan dahil sa pagbili ng mga art materials nauubos ang binibigay na baon sa akin nila Nanay, pero wala e.
Terakhir Diperbarui : 2025-12-08 Baca selengkapnya