"Marru sigurado ka bang sasama ka?" paniniguardo ko. Tumatango-tango siya at malapad na ngumiti. "Opo, Mama. babalik naman po kami kaagad, eh," seryosong aniya. Ngumuso ako at napatango na lang dahil sa gusto niyang mangyari. Hindi naman na siya naghahabol sa akin at siguro nga nakasanayan na niya talaga sa Laguna. Kaya kahit medyo matagal na rin kaming nandito ay naninibago pa rin siya at gusto pa ring ang manatili sa Laguna. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siyang mahigpit na para bang ayokong kumalas. "Basta huwag pasaway ha? Hihintayin ko kayong bumalik." Humagikgik siya. "Ikaw po hindi ka sasama?" I shook my head as I kissed his forehead. "Hindi muna 'nak, tsaka na lang. Basta tandaan mo mga habilin ko ah? Huwag magpasaway." "Opo, Mama. mag-ingat ka rin dito. Mamimiss kita Mama! Mamiss ka namin!" Marru clung to my neck and hugged me tight. Umang
Terakhir Diperbarui : 2025-12-19 Baca selengkapnya