Hindi na naging normal ang mga sumunod na araw.Walang malinaw na pahinga sa pagitan ng operations, walang oras para magproseso ng mga nangyari. Tuloy-tuloy lang ang galaw ng system, at habang mas lumalalim sila rito, mas nagiging mahirap malaman kung sino ang may kontrol sa sitwasyon. Sa bawat bagong impormasyon na nakukuha nila, may kapalit na panibagong pressure. Parang sinasadya ng system na pakainin sila ng sapat para hindi umatras, habang dahan-dahan silang hinihila papasok.Si Yuhei ang pinakaapektado noon, kahit siya ang mukhang pinaka-kalma.Mas bihira na siyang magsalita tungkol sa kahit anong hindi konektado sa operasyon. Hindi na siya nakikitawa sa mga side comments ni Leon, hindi na rin siya humihinto para pakinggan ang concerns ni Riven maliban kung direktang may kinalaman sa mission. Para bang habang lumalapit sila sa core, may mga bahagi rin ng pagkatao niya na kusa na lang nawawala.At iyon ang napapansin ni Elijah.Hindi biglaan.Hindi dramatic.Mas masakit dahil dah
Read more