EULA "Nay! Andito na po ako!" malakas na sigaw ko mula sa labas ng bahay, pero walang sumasagot, kaya pumasok na lang ako dahil bukas naman ang pintuan. Tumambad sa akin ang magulong bahay—nagkalat ang mga gamit at parang ninakawan. Wala rin ang mga kapatid at Nanay ko. Sa unang tingin pa lang, alam ko na ang nangyari dito. Hindi ko maiwasang mainis. Bumalik na naman ang pagiging demonyo niya. "Anong nangyari? Gusto mo bang tumawag na ako ng pulis?" tanong ni Sir Akio, na noo'y inihahanda na ang cellphone para tumawag. Pinigilan ko siya at sinenyasan na manatili lang siya sa kinatatayuan niya. Pumunta ako sa kabilang bahay—kila Aling Koring, na katabi ng bahay namin. "Aling Koring!" malakas na sigaw ko mula sa kanilang bakuran. Nakatayo ako roon, tagaktak ang pawis dahil sa takot. "Ikaw na ba 'yan, Eula?" tanong ng matandang babae. May tungkod itong kaagapay kapag naglalakad. "Opo! Nasaan po sila Nanay?" malakas na sigaw ko. Bigla namang lumabas mula sa pintuan ang kapatid kong ba
اقرأ المزيد