EULA Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong pag-initan dito sa Mansyon. Akala ko ay magiging maayos ang buhay ko. Akala ko'y magiging kaibigan ko siya pero ang ending mukha siya ang magiging mortal enemy ko. "Eula! Punta raw tayo sa rancho," seryosong sabi ni Akio. Nasa may hagdan siya, nakapamulsa, habang ako? nagkukuskos ng inidoro dito sa mansyon. "Isama mo nalang Sir si Pancho at Minerva, isama niyo na rin pala si Luzandro," seryosong sabi ko. "Marami kasi akong kilangang linisan dito sa bahay," dugtong ko pa na para bang ako ang nagmamay-ari ng bahay. Wala nang tumutulong sa akin dahil umuwi na sila Mom. Ayokong manatili pa sila rito, pinapahirapan lang naman sila ng mga taong akala mo eh Diyos kung makapang-mata ng iba. Pare-parehas lang naman ang tae namin. Lol. "Ako ang Boss mo rito, Eula!" seryosong sabi niya pero hindi ako nagpatinag. Hindi naman siya ang Boss ko kundi sila Doña Beatrice at Don Iñigo. "Huwag mo nang isama ang muchacha na 'yan, Akio!" mala
Read more