Yana Natapos din kaming kumain. Paglabas namin ng restaurant, huminto si Adrian saglit, saka tumingin sa akin.“Gusto mo bang maglakad?” tanong niya. “May favorite spot ako dito na maganda tuwing gabi.”Napatingin ako sa paligid. Wala naman na masyadong tao pero nag-alangan ako.“Baka may makakita sa atin,” sabi ko.Napakunot ang noo niya. “May problema ba?”Umiling ako agad. “Wala. I mean… baka lang.”Pero sa isip ko, magkakaroon ng malaking problema kung may makakita sa amin at makilala si Adrian.Ewan ko ba pero para bang ang dali niyang makalimot. Noong mga nakaraang linggo lang ay napabalita na kasal na ulit siya.Samantalang ang dati niyang asawa, nawawala pa rin.“Yana,” sabi niya, mas mababa ang boses kaysa kanina. “Hindi na masyadong matao.”Tumingin siya sa paligid, tapos bumalik sa akin.“Kung hindi ka komportable, hindi natin kailangan,” dagdag niya. “Pwede tayong bumalik.”Napatigil ako.“Gusto ko lang maglakad,” sabi niya. “Hindi kita ilalagay sa alanganin.”Doon ako na
Last Updated : 2026-01-21 Read more