THUNDER LAVISTRE “Aral kayo mabuti..” naka ngiti kong bilin sa mga bata. Ako na ang ang presinta na ihatid sila sa school. Dahil ang daddy kasi nila maagang pumasok may early morning meeting kasi ito. Plano ko na rin dumalaw kay Flame, alam ko na hindi ito papayagan na mag bail para maka labas. “Ba-bye tito!” Sabay sabay ng mga ito na paalam. Ngumiti ako at kumaway, hinintay ko na muna na maka pasok na sila sa bago ako tumalikod. Ngunit kahit naman mag bail kami, alam kong hindi lalabas si Flame sa loob gusto nitong bugbugin ang tatlong ‘yun. Bumuntong hininga ako at nag lakad na patungo sa parking lot ng school. Habang nag lalakad ako nag vibrate ang cellphone ko agad kong kinuha sa bulsa ng aking suot na suit. Si Mika ang tumatawag sakin agad kong sinagot ito. “Mika may problema ba?” Tanong ko dito. “Boss Thunder, may nakita po kasi kaming cargo malapit sa underground pero nang tingnan ng isa sa tauhan natin mabaho daw po parang nabubulok na basura.” Paliwanag nito
Last Updated : 2026-05-25 Read more