LOGINThree Years passed before a new challenge once again confronted Flame’s group and the entire DCN. Because of this, a decision was made to form seven groups to stop it, and as the organization grew, Flame’s forces multiplied. Thus, THE SEVEN DEADLY SINS were born—the seven faces of the new faction under the name of Flame Morjiana Lavistre-Dela Vega. But will they triumph once more in this battle? Or will lives be lost, sacrificed yet again? No one knows. No one knows how it will end. Only to wait for it to unfold before making a move. For even the most intelligent and cunning minds in the Mafia world remain blind to the fate that awaits. - When there is evil in this world that justice cannot defeat. Would you taint your hands with evil to defeat evil?Or you remain steadfast and righteous even if it means surrendering to evil? - " TO DEFEAT EVIL, I SHALL BECOME AN EVEN GREATER EVIL." - Flame Morjiana Lavistre - Dela Vega ************************************************ WARNING ‼️ GABAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN KUNG IKAW AY BELOW 18 YEARS OLD.
View MoreHigit tatlong na taon na ang lumipas ng simula ng matapos ang laban ni Lilura sa kanyang nakaraan. Ngayon ay ang asawa ni Lilura ang bagong pinuno ng ika apat na hanay ng DCN o ang DeathCore Nation.
Ngunit may hindi na naman na inaasahan na nangyari dahil ang ikalimang Hanay ay ngayon hawak na ng pinaka bagong Mafia Lord na si Draven Hyder Bleidon. Ang pinaka bagong leader ng Grupo ni Flame. Kung dati ang tawag sa tatlong mafia organization na hawak ni Flame ay The Devil Triangle. Ngayon mas tinatawag silang The Seven (7) Deadly Sin. Dahil lima na ang nabuo sa pitong kasalanan. Ang “Pride” (Flame Morjiana Lavistre - Dela Vega ) Ang “Greed” ( Ace Luther Black) “Lust” naman ay si ( Drake Montelivano ) “Envy” naman ang hinahawakan ni ( Mr. Vincenzo Balthazar Morozova) Habang ang “Wrath” naman ay napunta sa pangalan ni ( Mr. Rhysand Valdis Maximilliano ) At ang pang lima ay walang iba kundi si “Gluttony” ( Draven Hyder Flaris - Bleidon) Mabilis nag tayuan ang mga tuahan ng grupo ni Mr. Morozova ng makita ang pinaka pinuno nilang lahat. “Boss!” Yumuko ang binata ngunit nilampasan lang ito ni Flame. “Palpak ang isang trabaho para tapusin ang isa sa mga asset ng nasa taas.” Wika ni Lance habang naka sunod ito. “Ang grupo na ito ang dahilan bakit sigurado na dito ang bagsak ng sisi dahil may nagsumbong.” Dagdag muli ng binatang si Lance. Bago makasagot si Flame naramdaman nito na parating na si Vincenzo ang leader ng pang apat sa Deadly Sin. “Paumanhin sa nagawa ng mga tauhan ko alam ko na hindi ka sanay sa kapalpakan ngunit hinahanap na namin ang babae.” Pag hingi ng paumanhin ni Vincenzo. Nilingon ito ni Flame bago mag salita. “Huwag ninyo papatayin ang babae, kausapin ninyo hangga’t maaari.” Utos ni Flame at nag lakad na ito upang umalis. Hindi kumibo si Vincenzo pero naka sunod ang tingin nito. “Malaki na ang pinag kaiba niya. Mas lalo ngayon na may ibang plano ang asawa niya.” Wika ng kanang kamay ni Morozova. “Totoo bang may naka pasok na hindi kilalang assassin sa grupo ni Boss Drake?” Tanong ng isa pang lalaki. “Yun ang sabi pero hindi pa alam kung sino ito..” sagot ng kanang kamay ni Mr. Morozova. NAPA LINGON ang mag pipinsan sa lumabas na balita. “Ang kilalang Mafia Lord na si Flame Lavistre ay muling nahuli ng mga pulis, dahil sa pag labag sa batas. Ayon sa balita posible na makulong ang sinasabing Mafia Boss. Nag uulat si Andrew.” “Bwiset talaga! Ano na naman ginawa ni Flame? Alam na nga niya na mainit siya sa batas ngayon.” Hindi maiwasan hindi mainis ang binatang si Thunder. “Ayon sa nasaganap naming balita, marami naka kita na binugbog nito ang isang binata na anak ni Major. Jose Cinto. Halos hindi na daw makilala ang mukha ng anak ni Major. Jose Cinto ang nasabing Mafia Lord ngayon ay naka ditene sa police station upang ikulong muna..” pag uulat ng binata sa loob ng telebisyon. “Ngunit pansamantala na inilagay ang mga posible na kasama nito sa iisang selda dahil na rin sa takot ng mga inmate sa nasabing Mafia Boss..” dagdag ni news reporter. “Jose Cinto? Hindi ba ito yung hinahanting ni Flame nitong mga nakaraan na buwan? Siya yung inutos ni Flame kay Ashen Veil diba?” Tanong ni Damon sa kanyang mga pinsan. “Siya ba? O ibang tao?” Tanong ni Storm ang isa sa mga nakaka batang kapatid ni Thunder. “Siya nga..” napalingon ang lahat ng dumating si Earl buhat ang panganay nitong anak. “Hoy kiddo! Tara dito kakain tayo..” natutuwang tawag ni Damon sa kanyang pamangkin sa pinsan. “No! Mahihirapan na naman maka hinga anak ko sayo!” Inis na sagot ni Earl kay Damon. Hindi naman maiwasan ang hindi matawa ng mag pipinsan. Agad naman naging defensive ang binatang si Damon. “Bakit sabi ko sa kanya kaunti lang kainin niya, nakikipag agawan din siya sakin!” Pag tatanggol ni Damon sa sarili niya. “Mamaya na ‘yang bangayan ninyo, si Flame nasa kulungan kingina niyo!” Asik naman ni Thunder. Natawa naman si Ava sa mga pinsan ng asawa. Ang hindi alam ni Earl nang ibaba ang anak ay agad ito binuhat ni Damon at nilayo sa ama. “Tatay mo napaka damot! Akala mo hindi ka ibabalik!” Mabilis tumakbo si Damon patungo sa kusina. “Tito Damon? Can i eat fries like tita mommy Flame? Tita Mommy Flame always cooks it and feeds me po.” Tanong ng cute na cute na si Halyros Earl Avian. “We don’t have fries now kiddos, because tita mommy Flame didn’t cook and i don’t know how to cook that too..” sagot ni Damon sa kanyang pamangkin. Inupo nito ang bata na tila nag iisip, tahimik lang ito at kamukhang kamukha si Earl ang bata kahit ang kulay ng mata ay sa ama nakuha. “Then what about? Onion bread? Tita Mommy let me eat that po..” magalang na tanong ng bata. Bago pa maka sagot ang bata nag sigawan ang ibang bata. “Earl number two!!!” Kahit ang mga pinsan ni Earl ay nag lingunan, halata sa mukha ng mga ito ang pagka gulat. “Earl number.. what?” Tanong ni Azi. “Number Two daw. Sabi sayo hon, hindi magandang idea na isama pa name mo sa anak natin eh!” Asik ni Ava at umiiling pa ito. Napa ngiti naman si Thunder at Vladimir, dahil nakita na nila ang sakripisyong ginawa ni Flame sa mga nag daan na taon. Ito ang sinasabi ni Flame na worth it gumawa ng paminsan minsang tama. “Hon naman. Syempre unang anak natin ‘yan.” Pakikipag laban ni Earl sa asawa. “So anong plano dadalaw ba tayo?” Tanong ni Ezekiel. “Nandun na si Blake.” Sagot ni Brent habang nag lalakad ito papasok. “Bilin ni Flame huwag na upang hindi magka gulo, sigurado pati tayo titiktikan na nila. Dahil iisipin nila na may kinalaman tayo.” Dagdag ni Brent. Napa tango ng sabay sabay ang mag pipinsan. “Tama kung si Blake ang mag papakita hindi sila mag hihinala. Pero wala naman talaga tayong kinalaman don, maybe alam natin.” Pag tatanggol ni Thunder. “Exactly may alam tayo, pwede tayo nila dikdikin doon. Baka harangan pa tayo.” Sagot ni Brent. “Utos ni Flame hangga’t maaari umiwas tayo na maka gawa ng gulo, dahil may gulo din sa dalawang organization ang Envy at Lust.” Wika ni Ezekiel. “Bago nila itong codename na organization. Si Flame ang Pride dahil siya naman talaga ang pinaka mukha ng grupo pero hindi pa rin maalis ang orihinal na tawag sa dalawang organization ang Black at Dark Organization..” sagot ni Earl. Tumango ang mag pipinsan. “May alam na kayo paano ang kilos na gagawin ni Blake sa dating pamilya ni Mr. Bleidon? At isa pa kamusta na ang mag asawa na ‘yun? It’s been 3 months to be exact.” Tanong ni Ava. “Si Lilura din at ang asawa niya hindi pa bumabalik.” Dagdag ni Demitri. Napa lingon ang mag pipinsan ng may marinig na bumagsak sa kusina. “Maka sira kayo d’yan yari kayo sa may ari ng bahay na ‘to..” paalala ni Thunder. “Tito Thunder? Si Baby Haly po hinulog po niya yung takip ng pressure cooker..” sumbong ng bunsong anak ni Flame. Mabilis itong yumakap sa kanyang ito na agad naman niyakap ni Thunder. “Really? No one hurts?” Tanong ni Thunder.. “None po..” sagot ng batang babae. “Ang laki na ng anak ni Flame.. it’s been 7 years ng ipinanganak sila..” wika ni Ava habang naka tingin sa mukha ng bunso ni Flame. “Yes. Totoo ‘yan susunod may dalaga na si Flame at Blake.” Naka ngiting sagot ni Vlad. “Napaka lambing pa na mga batang ito..” dagdag nito. NGUNIT NAWALA AGAD ang ngiti sa labi ng lahat ng biglang umilaw ng kulay pula na tila isang dugo ang buong paligid ng mansion. “Alright! Trabaho na!” Hiyaw ni Damon. “Tara na mag tatago na tayo!” Nag tatakbuhan na sigaw ng mga maliliit na bata. “Azi at Hanz maiwan kayo dito sa loob ng mansion, kami na ang bahala sa labas..” utos ni Thunder. “Ikalat ang ibang grupo sa buong paligid ng mansion, walang papasukin.” Utos naman ni Vlad. “Masusunod..” sabay sabay na sagot ng mga ito. SA KABILANG BANDA naka ngiti si Flame habang kaharap ang dalawang O’Reilly at si Fred Brown. Habang ang tatlo naman ay hindi mapakali, bahagyang yumuko si Flame at nag salita. “Hindi ko kayo tatapusin dito kalma lang, pero ang asawa ko ang gagawa niyan. Naipangako ko na kasi kayo sa kanya.” Mapag larong ngumiti si Flame. “Babalikan kita sa oras na maka takas ako dito! Tatapusin kita at lahat ng anak mo!” Pag babanta ni Oliver O’Reilly. Ngumiti si Flame bago sumagot. “Hihintayin ko ‘yan..” sagot nito. Bago tuluyang ilipat ito ng ibang selda. SUNOD SUNOD ang palitan ng bala ng dalawang kampo. Ang kampo ng bagong tauhan ni Brown at ang bagong tauhan din ni Flame. Lahat sila bago bilang ensayo sa papasok na labanan. “Hindi po kakayanin ng mga bago ang dami nila!” Wika ni Onze at mabilis itong tumipa sa kanyang computer. “Earl..” tawag ni Vlad sa pinsan na si Earl Loyd. Hindi kumibo si Earl at kinuha nito ang isang hand grenade at nag salita. “Umatras kayong lahat!” Utos ni Earl. Mabilis nag takbuhan ang bagong tauhan ng grupo. “Humanda kayo sa pag yanig..” pag bibigay ng utos ni Thunder. Ngunit tila walang pakialam ang mag pipinsan at nag abang lang ng kilos ni Earl. Nakita ng mga ito ang tanggal ang locked pin ni Earl at isang buong bwelo ang ginawa ni Earl bago ibato ang granada sa mga kalaban. Muling kumuha si Earl ng isa pa at mabilis nitong binato patungo sa tauhan ni Fred matapos tanggalin ang pin. Dalawang mag kaka-sunod ang naramdaman na pag yanig ng sementadong kalsada at kitang kita nilang pagka sunog ng buong paligid. Maririnig din ang malalakas na hiyawan ng mga tauhan ni Fred Brown dahil pagka sunog ng buhay ng mga ito. HABANG SI FLAME NAMAN AY naka ngiti lang habang naka tanaw sa labas ng bintana ng kanyang selda. “Nalalapit na ang pagka-wasak ng lahat, pagka sira ko at ang panibagong mabubuong grupo. Parating na ang pinaka huli sa 7 Deadly Sin..” biglang tumalim ang tingin nito sa malinaw at bilog na buwan. “Matira ang matibay sa mga susunod pang labanan.” Malamig na tinig nito hawak nito ang isang maliit na dagger na kumikislap pa sa dahil sa liwanag ng buwan. ————————————————————————————— A/N; Handa na ba ang lahat? I know the LONG WAIT IS OVER !! WHO IS IN CONTROL (LA COSA NOSTRA) season5; THE BLOODLINE is now here..FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tingin ako kay Tita Christine ng sabihin nito ang tungkol sa plano ni Kurt na magpakasal sa sekretarya nito. “Ano po ba ang main reason at tutol kayo?” Tanong ko dito. Tutol kasi ito at hindi ko naman pwede husgasan o mag salita ng hindi ko alam ang lahat. Hindi ako ganun na tao. “Yung secretary niya si Shanise Lagrimas, bagong sekretarya ng anak ko. Laki sa hirap at iniisip ko baka pera ang habol niya sa anak ko.” May pag aalala ang boses nito. Umupo na ako muna at bumuntong hininga. “Matalino po ang anak ninyo. Kung yan po talaga ang gusto ng sinasabi ninyong babae makikita ni Kurt ‘yan. Hindi naman po basta basta din si Kurt.” Sagot ko. “Isa pa Tita, hindi po porket mahirap o laki sa hirap ganito na ho natin tingnan. Pwede naman natin kilalanin muna bago tayo mag salita ng tapos. May mga salita tayo na hindi na kayang bawiin kahit pa tayo ay humingi ng pa paumanhin.” Paliwanag ko dito. Tumago naman ito at ngumiti. “Naiintindihan ko
STORM LAVISTRE Umabot na ng madaling araw hindi ko parin magawa makatulog. Hanggang lumabas ako ng kwarto dito sa Underground napansin ko ang bihag namin kaya nilapitan ko ito. “Gising.” Utos ko dito at sinipa ko ang kulungan nito. Nang magising ito. Tila takot na takot ito. “Nakita na kita noon, kasama ka ni Drake hinala namin isa ka din assassin pero ang mukha at buhok mo iba ang hitsura matagal ka namin bago nahanap o ni Flame.” Pag kausap ko dito at umupo ako sa monoblock. Yumuko ako ng bahagya at tinukod ko ang siko ko sa tuhod ko at nag salita ulit. “Bakit kailangan mo tapusin si Drake?” Tanong ko dito. Umiwas ito ng tingin. “Hindi ako naniniwala na natatakot ka sa amin. Isa kang assassin wala kayong kinatatakutan.” Dagdag ko. “Dahil po sa utos ni Madam Cintia.” Sagot nito. “Kapalit ng?” Tanong ko dito. “Palalayain niya po ang amain ko, siya na lang natitira kong pamilya. Napulot niya ako sa daan hindi ko alam kung may totoo akong pamilya simula noon si Tatay ang
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi naman malayo ang location kung saan kami bumaba at napansin ko na mag uumaga na rin. “Flame, nakita namin ang same logo.” Wika ni Kuya Thunder at pinakita sa akin ang kuha nito sa cellphone. Sinilip ko ito. “Lalapit ako.” Wika ko at iniwan ko na agad sila at nag lakad na ako. Napa tingala ako dahil ang taas ng laboratory na ito. “Kailan ang huling operation nito?” Tanong ko kay Sammy. “Halos isang taon pa lang ito tumigil kawalan ng pondo. Nalaman din po namin na binibigyan din ito ng pondo ng local na pamahalaan.” Dahil dito napa lingon ako. Pa buka na ang bibig ko ng mag salita si Kuya Vlad. “Sinusuportahan nila ito? O alam ba nila ang ginagawa sa loob?!” Gulat na tanong ni Kuya Vlad. Nanahimik na lang ako at nakinig. “Ang napag alaman din po namin sa mga tao sa paligid ay vet po ito o gamutan ng mga alagang hayop.” Sagot ni Wendy. “That’s witty. Pero kinagat ng local kaya walang nag hinala. Then we will exposed this pagdating n
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Flame?” Tawag ko dito dahil natutulog na yata ang isang ito. Dinilat nito ang isang mata at dahan dahan bumangon. “Kanina ka pa dito?” Tanong ko dito at dumiretso ako sa table ko at ang hubad ng coat. “I think 30 minutes and it’s fine.” Sagot nito at nag unat ito ng katawan. “Mag papa-order ako ng pagkain para makakain tayo.” Sagot ko at pinapasok ko ang secretary ko. Napansin ko agad ang pag iwas nito ng tingin kay Flame. “Bumili ka ng pagkain namin sa isang restaurant sa V.M restaurant. And bilhin mo ang pinaka mahal na steak nila doon. Pakisabi kay Vladimir Lavistre. They already know what i eat and Flame Lavistre.” Utos ko dito. Restaurant ito ni Viatrix ang kapatid ni Rhysand dito ako madalas kumakain dahil masarap ang pagkain dito. “Opo sir..” sagot nito at kinuha ang pinadala kong pera. Dali-dali itong lumabas napalingon naman ako ng tumayo si Flame. May kinuha ito sa ilalim ng table ko at hinulog sa kape ko na lumamig na lang. “Fla
THUNDER LAVISTRE “We are still finding where it is..” wika ni Brent. “Tama ba ang information na nakuha ninyo?” Tanong ko dito. Lumingon ito sa akin. “Alam niyo bang nakipag usap ang dating tauhan ni Lolo kay Flame na si Mr. Karlson Azaleano? Upang tulungan ang anak niya at pamilya nito? Kasab
BLAKE SHIN DELA VEGA “Bilisan mo! Pag tayo naabutan ng mga parak papatayin kita!” Pag babanta sa akin ni Oliver. Hindi ako kumibo agad at minaneho ko ang kotse na sinasakyan namin tatlo patungo sa aming hideout. “Salamat naka takas na tayo, nakakatawa ang Flame na ‘yun magugulat siya na ang hina
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nanatili akong walang imik at hindi tumitingin sa gawi ng Mayor ng building 10. “Hindi nga ako officer ang gumawa niyan kay Fred!” Pagtanggi ng Mayor dito sa binibintang na krimen sa kanya. Hindi naman talaga pero i need someone to blame for my wrong did. Par
THUNDER LAVISTRE “Aral kayo mabuti..” naka ngiti kong bilin sa mga bata. Ako na ang ang presinta na ihatid sila sa school. Dahil ang daddy kasi nila maagang pumasok may early morning meeting kasi ito. Plano ko na rin dumalaw kay Flame, alam ko na hindi ito papayagan na mag bail para maka labas.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore