LOGINTHUNDER LAVISTRE
“We are still finding where it is..” wika ni Brent. “Tama ba ang information na nakuha ninyo?” Tanong ko dito. Lumingon ito sa akin. “Alam niyo bang nakipag usap ang dating tauhan ni Lolo kay Flame na si Mr. Karlson Azaleano? Upang tulungan ang anak niya at pamilya nito? Kasabay nito ay malalaman natin na saan ang bomba?” Tanong ni Brent sa akin. “Si Azaleano? Ama ni Killian? Matagal na akong walang balita sa kanila..” takang tanong ko dito pabalik. Kilala ko si Killian dati kaibigan ko ito noong nasa kolehiyo pa ako. “Kailangan nila kinausap si Flame?” Tanong naman si Azi. “Hindi ko alam wala akong ideya, pero kung ito nga ay totoo? Sigurado may ideya na si Flame sa mga mangyayari.” Paliwanag ni Brent sa amin. Knowing my sister, i am very sure na alam na niya ito alam niyang may ilang araw pa mabubuhay si Oliver. Alam niya hindi pwede na hindi, kilala ko ang kapatid ko. BLAKE SHIN DELA VEGA “Huwag ninyo hahayaan na makatakas ang mga ‘yan. Siguraduhin ninyo na hindi bibigyan ng kahit ano ang mga ‘yan.” Utos ko at tumalikod na ako. “Insan? Hindi ka naman galit sa asawa mo tama?” Tanong ni Hanz sakin habang sumusunod ito sa akin. Napa tigil ako sa pag lakad at nilingon ko ito. “Tingin mo ba talaga kaya ko magalit sa asawa ko? Never! Kung marami ang inosente na posible na madamay? Sigurado ako na hindi ito magugustuhan ng asawa ko na mangyari..” sagot ko. “Kung ito ay talagang alam na niya..” dagdag ko. Bumuntong hininga ito at ako naman ay nagtungo sa silid ko sa sarili naming hideout. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Gabi na dito sa selda at alam ko na rin ang nangyayari sa labas ng kulungan na ito. Nalaman na nila ang tungkol sa bomba, ngunit malaking tanong din paano nalaman ito ni Karlson. Ngunit ang sabi lang nito sa akin, kilala niya ang gumagawa ng bomba na ‘yun at alam din niya doon sila kumuha. Ngunit pala-isipan sa’kin na paano niya ito nalaman. Pinikit ko ang mata ko at sinubukan matulog. SA KALAGITNAAN ng himbing ng pag tulog ko isang mahigpit na sakal ang nag pagising sakin na siyang hindi ko inaasahan. “Alam ko, dito kaya kita tapusin at ipaako sa mga kriminal na nandito o mag turo na sila ang pumatay sa’yo! Salot ka!” Galit na asik ni Seraño. Nahirapan na ako huminga at unti unti na lumalabo ang paningin. “Ah—ah..” daing ko at hinawakan ko ang braso nito at kinapa ko pataas sa ulo nito. “Ikaw ang tunay na kalaban namin! Hindi ang mga tinuturo mo ikaw at alam mo ang bagay na ‘yun pero lagi ka naghuhugas ng kamay!” Puno ng galit ang tono ng boses nito hanggang nahawakan ko ang buhok nito at buong bwelo ko sinampal ang teinga nito upang mabingi ng panandalian. “Aaah!! Ang tainga ko!” Daing nito. Mabilis akong bumangon at sinakal ko ito hanggang mapa atras ito at dumikit ang likuran nito sa malamig na semento. Tinaas ko ang kamao ko at mahigpit kong kinuyom. “Tandaan mo kaya kita tapusin dito ng hindi lumilikha ng ingay. Oo siguro nga naghuhugas kamay ako pero kahit kailan hindi ako nag sinungaling..” sagot ko dito. “Kung ako tatanungin? Gusto ko kayong patayin lahat, lahat kayo na abusado sa binigay sa iyong kapangyarihan. Alam mo kung ako tatanungin hinding hindi ako mangingialam sa gawain ninyo pero naisip mo ba kung bakit ako nangingialam?” Tanong ko dito. Sa liwanag ng buwan na sumisilip sa bintana ng aking selda, alam ko nakikita nito ang mga mata at alam din nito na diretso akong nakatingin sa kanya. “Dahil ang mga mamamayan ng bansang ito, uhaw sa pag babago, uhaw sa matinong pinuno na paglilingkuran at maririnig at makikita sila..” wika ko nakita ko nanlaki ang mata nito. Hinigpitan ko pa ang pag hawak ko sa leeg nito. “Uhaw sila sa totoong pinuno. Takot sila sa bawat hiling o sumbong nila baliwalain sila dahil ang hustisya ng bansa na ito ay umiikot para lang sa mapapakinabangan ninyo. Alam mo kung ano?” Tanong ko dito. “Dahil sa pera at mayayaman na gusto ng madalian ang buhay sa bansang ito. Paano magiging matuwid kung lahat kayo baluktot na?” Tanong ko dito. Binitawan ko ito at binaba ko ang kamay ko. “Umalis kana, dahil wala na akong plano makipag usap sa kahit sino sainyo. Tapos na ako sa inyo, ako naman ang kikilos ngayon ng hindi ko kailangan isipin na sasagasaan ko ang mga walang kwentang ego ninyo..” utos ko at tinuro ko ang pinto ng selda ko. Matagal itong tumitig sa akin bago kumilos at lumabas ng aking selda. Humigit akong malalim na hininga. “Onze.. tatapusin ko na si Fred.” Wika ko sa kabilang linya. “Kayo po ang bahala boss..” sagot sa akin ni Onze. KEN XERXES VERSWELL SINUOT KO ANG pang kitchen staff kong uniform at nag mask ako nag suot din ako ng clear glasses. Tinulak ko na ang lagayan ng mga pagkain para sa mga inmate. “Ikaw Ken, dalhan mo ng pagkain sa room 105 si Fred Brown tapos bumalik ka agad dito.” Utos ng babae na taga luto ng pagkain ng mga preso. “Opo..” sagot ko at kinuha ko ang isang tray na inabot nito. Hindi ko kahit isang neses nakita si Boss Flame. Sigurado palalabasin sila mamaya pa. Nag tungo na ako sa ward dito sa loob ng bilibid. Bago ako pumasok nilingon ko ang mga CCTV at nang.. “Boss Ken hawak ko na ang CCTV..” wika ni Mika. “Good..” sagot ko at binaba ko ang hawak ko. Kinuha ko ang lason sa bulsa ko at nilagyan ang pagkain ni Fred Brown. Mabilis ang kilos ko at nag tungo ako sa selda nito. “Ito na po ang pagkain ninyo..” wika ko ng makapasok ako. Hindi ito kumibo isa isa ko nilagay sa mesa nito ang pagkain. Tumayo ako at hinintay itong kumain, bawat subo nito pinanood, matagal bago eepekto ang gamot. Sa pag labas ni Flame mamaya dito buhay pa ito. “Tapos na ako. Ayoko na walang lasa..” inis nitong wika. Tumango ako at hindi umimik kinuha ko ang pagkain, pag labas ko tinapon ko na tila casual lang ang bote ng lason. Ngumisi ako bago bumalik kung saan ako galing, plano hindi agad ako aalis kahit malaman nilang patay na si Fred pero ang utos sa akin kapag naka labas na si Boss Flame lalabas na rin ako. HABANG NAG PAPAKAIN KAMI ng mga inmate, narinig ko sa usapan ng mga preso na nakalabas na si Boss Flame ng bilangguan. Ngunit hindi pa rin ako maka alis dito dahil kailangan ko pa malaman kung wala na nga talaga si Fred. HANGGANG SA nag takbuhan ang mga pulis patungo sa daan kung saan ako kanina galing. “Ano nangyayari?” Tanong ng head ng kusina. “Patay na daw si Fred Brown, wala daw senyales kung ano kinamatay..” wika ng isa namin kasamahan. “Ganun ba? Tara na umalis na tayo dito tutal hindi naman tayo kasali d’yan.” Utos ng head ng kusina. Nakita ko pa na nilabas ng mga pulis ang katawan ni Fred at halata na wala na nga itong buhay. THUNDER LAVISTRE “Paano kung matuklasan na nilason si Fred at malaman nila na si Ken ang nag pakain dito? Magagawa nila itong i-trace, Flame..” tanong ko sa kapatid ko na bagong dating dito sa Underground. “Hindi ko naman ipag dadamot na hindi nila malaman ang bagay na ‘yun. Natural na malalaman nila.” Sagot nito habang pinaglalaruan nito ang isang King piece ng chess namin dito sa Underground. “Ngunit may mas mahalaga tayong kailangan pag usapan. Yun ang tungkol sa bomba..” wika ni Vlad kapapasok lang nito alam nito ang usapan dahil sa suot nitong earpiece. “Hayaan niyong lumapit ang anak ni Azaleano sa atin saka tayo kikilos.” Sagot ni Flame. “Flame! Baka nakakalimutan may atraso pa si Oliver sa atin?” Pag papa-alala ni Vlad dito. “Kung kikilos tayo ngayon, tingin niyo ba malalaman natin na saan ang bomba. Hindi nga natin alam kung alam ba ni Killian ang tungkol dito pero duda talaga ako wala siyang alam dito. Maganda dito patayin natin si Victor lalabas ang totoong may alam na saan ang bomba.” Mahabang paliwanag ni Flame. “Pero kaya natin malaman sino ang may hawak nito o nakakaalam nito.” Wika naman ni Brent. “Tama ka, pero alam ba natin anong klase ito, dahil kung totoo ang sinabi ni Karlson na galing ito Blothony Organization? Tingin niyo napaka dali idefuse ang bomba nila?” Patanong na sagot ni Flame. “So anong plano mo ngayon?” Tanong ko kay Flame. “Tapusin si Victor..” sagot nito at tumayo na ito. “Isa isahin sila.” Dagdag nito bago tuluyan na umalis. Bumuntong hininga na ako at nilingon ko ang mga kasama ko. “Wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.” Wika ko. “Ngunit kailan lalapit ang anak ni Karlson?” Tanong ni Storm ang kapatid ko. Walang nakaka alam kung kailan ito mangyayari. BLAKE SHIN DELA VEGA NANG MAKITA KO ang asawa ko na nakauwi na sa aming bahay. Hindi ko maiwasan hindi ito lapitan at yakapin ng mahigpit. “Thank god, your home na..” hinawakan ko ang magkabilang pisngi ng asawa ko. “Hindi ka ba nila sinaktan?” Tanong ko dito. Nang sumilay ang ngiti ng asawa ko at umiling ito napa ngiti na rin ako. Ngunit kapansin pansin ang marka sa leeg nito. “May kaunting pananakit pero kilala mo naman ako kaya ko sila..” sagot ng asawa ko. Tumango ako at muli ko itong niyakap. “Love I’m sorry, alam ko gusto mo na siyang tapusin pero pinigilan ko pa..” paghingi nito ng tawad. Umiling ako at niyakap ko ito ng mas mahigpit. “Huwag mo isipin ang bagay na ‘yun mas mahalaga sakin na ligtas ka at umuwi ka ng walang sugat..” sagot ko sa asawa ko binigyan ko ito ng isang mabilis lang na halik sa labi. “Eeew.. daddy kissing mama!” Napa lingon ako sa anak kong babae na nakatakip ang mukha. Nag tawanan kami ng asawa ko kaya mabilis ko binuhat ito at pinag-hahalikan ko ang nakatakip nitong mukha. “Eeew? Then why you always kiss daddy in my whole face, huh?” Tanong ko sa bunso ko. “Because you said daddy!” Sagot ng bunso kong si Ai. “Honey, sumasagot na bunso natin..” pag hingi ko ng kakampi sa misis ko. “Kayo talagang mag ama, nagluluto ako ng pasta okay? I’m hungry.” Pagsuko ng asawa ko kaya hinayaan ko na ito alam ko marami na naman itong iniisip. - Villain? Maybe. But at least I am not the coward who started the fire and Run.Hi po. Sana po basahin niyo po ang story ng kaibigan ko. Magugustuhan po ninyo ito. 🤭 - Title: When Dreams Wear a Suit (Completed) Author: ArtofPollyanna - Salamat po 🫶🏻
LAST PART (FINALE) - THIRD PERSON POV SA KABILANG BANDA hindi maiwasan hindi mag alala ni Amara para kay Vladimir sa kanyang asawa ganun din si Madrid na asawa ni Thunder. Ngunit higit kanino man mas nag aalala sila kay Flame halata na nila ang pang hihina ng katawan nito ngunit dahil sa kagustuhan na makalaban ay hindi ito sumusuko. Lahit ang biyenan ni Flame at ang mga taong nanonood lang sa Live broadcast ay hindi maiwasan hindi tumahimik at mag alala. Lahat ng taong saksi napapanood nila gaano katibay si Flame kahit na naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Hindi ito sumusuko kahit nakikitaan na ito ng pang hihina, hindi parin ito sumusuko ng ganun ganun lang. Hindi nag pahuli ang mga Dela Vega. Kahit sugatan na ang ilan sa kanila tulad ni Hanz, Yj at Kurt ay hindi tumigil hangga’t hindi tumitigil si Flame ang tanging tao na tatayo parin kahit na hinang hina na. Nang mapa luhod si Flame lahat ay tumigil. Hindi maiwasan hindi tumulo ang luha ni Mika at Jennica. “Sumuko k
THIRD PERSON POV SINALO ni Flame ang mukha ni Gilbert at halos bumaon ang kuko nito sa balat ni Gilbert. “Flame!!”sigaw ng lahat ngunit ang akala ng lahat ay dudurugin ni Flame ang bungo ng kanilang uncle ngunit hindi nito ginawa. Bagkus ay pinaluhod muna nito at tinutukan ng baril sa bibig. “Minsan ka ng pinatapon ng pamilya Valencia, kaya ko ulit gawin ito ngunit patay ka na dahil sa empyerno kita ipapatapon..” malamig na wika ni Flame. Ngumisi si Gibert bago mag salita ito. “Ganun ba? Pero ito ba nahulaan mo?” Tanong ni Gilbert bago pa makapag react si Flame. Dalawang putok ng baril ang narinig ng lahat. Nang lumingon si Storm, nanlaki ang mata nito ng may tama din siya sa kanyang tyan. “Storm! Thunder!” Sigaw ni Demitri dahan dahan napaluhod si Storm. “Kuya!” Sigaw ni Flame at bago pa maka takbo si Flame hinila ito Gilbert pa higa at pinag susuntok ito sa mukha. “Tulad ng plano namin papatayin ka namin!” Sigaw ni Gilbert. Sumunod naman na tinapakan ni Gilbert ang tama n
THIRD PERSON POV Hindi nag dalawang isip si Flame ng tumalon ito at sumampa sa likod ng isang lalaki at ginilitan nito ang leeg nito. “Brent at Ken ubusin na natin ang mga ito..” utos ni Flame sa dalawang binata. “Ngunit paano hindi kami pwede tumira ng Freya dyan..” wika ni Brent. “ Sino bang nag sabi na ‘yan a—-” hindi natapos ni Flame ang sasabihin nito ng sumabog ang likuran na bahagi nila. “Mu-muntik na kami doon..” wika ni Cross. Tumakbo ang lahat patungo kay Flame. Hanggang bigla tila nanahimik si Flame at doon nito nilingon si Martha. Nakangisi ito. “Hindi pa ako tapos! Bihag ko ang mga tao dito! Sa oras na patayin mo ako sasabo—-” hindi nito natuloy ang sasabihin nito ng sumabog ang kanang braso ni Martha. Ang lahat ay tila tumigil ang pag hinga ng mga ito. Tila biglang sumikip ang mundo at nawala ang hangin sa paligid. Pinaka titigan muna ni Martha ang kanyang braso hanggang. “AAAAAHHH!” Isang malakas na sigaw ang narinig sa buong syudad. Pinakita ni Flame ang
THIRD PERSON POV “Yes my lord..” sabay sabay na sagot ng mga ito sa dalawang Leader. HABANG NAPANSIN NG MGA BABAE ang pagbabago ng posisyon ng Tower of Freya. “Napansin niyo bang nag bago ang position ng Freya?” Tanong ni Mika. Agad naman tumingin ang iba upang makita ito. “Aatake ang DCN gamit ang Freya muli. Po-posisyon na ang Freya lahat mag handa!” Wika ni Ken at tumayo na ito agad. “Ito ang ikalawang atake ng Freya. Matapos nito lahat tayo pupunta na sa battle field.” Utos ni Ken hindi ito tumitingin sa paligid. “Maghanda kayo, kung sakali na sugurin ang kalaban ang Underground palulubugin ko ito sa lupa..” nag taasan ang mga balahibo ng mga tauhan ni Flame. Habang si Onze ay nilingon ang paligid ng UG. “Kung palulubugin ito hindi tayo basta basta makakalabas dito.” Wika ni Onze. “Upang protektahan tayo dito kailangan ito gawin ni Boss Flame..” sagot ni Alice. “Gusto ko din lumaban kasama sila..” wika ni Mika. “Kaya naman natin, tinuruan tayo pero mas pinagtuunan n
THIRD PERSON POV Dito napagtanto ni Martha na isa itong mahabang kadena. Pag angat ng tingin nito hindi nito nakita ang parating na kamao ni Flame. Dahil dito sunod-sunod na suntok ang natanggap nito. May narinig itong sinabi ni Flame ngunit dahil sa sunod sunod na suntok ay wala ito sa tamang isip upang intindihin ito. “ALL UNITS! TAPUSIN SILA WALA KAYONG ITITIRA!” Malakas na anunsyo ni Flame. “Yes My Lord!” Sabay sabay na sagot nito. Nang dumating ang mga pinsan ni Flame at ang asawa ni Flame. Hindi nag sayang ng oras ang mga ito at sumugod agad sa mga kalaban. Kitang kita ng mga taong manonood paano mag palitan ng bala ang magkalaban. “Hindi mo ako mapapatay! Tandaan mo hindi pa dumadating ang kakampi ko!” Tinutukan ni Martha si Flame ng baril. “Sila ba?” Tanong ni Flame at tinuro ang langit kasabay nito ang pag daan ng isang Helicopter. MULA SA HELICOPTER pinababa ng tao ni Flame ang tatlong kakampi ni Martha ito ay sina Frank ang isa dito at sina Ronan,at Malcom.
THIRD PERSON POV “Gusto ko sa oras na ilabas natin ang babaeng ‘yan at sumunod na ang ibang organization na pinamumunuan ko. Lahat tayo kailangan sabay sabay papatayin ang babae na ‘yan sa harapan ng napakaraming tao.” Narinig ni Flame ang usapan sa labas ngunit tila hindi ito natatakot o nababahala man lang. “Sapat na ang pahinga ko, para sa mahabang labanan..” bulong ni Flame. Tumayo ito at tinanggal ang kanyang suot na jacket. Tumalon ito at lumambitin sa isang bakal na malapit sa kisame. Tinatawag itong Pull-up Body weight. Ito ang ulit ulit na ginawa ni Flame hanggang isang kamay lang ang gamit nito. Sa ginawa nito nag labasan ang mga muscle na nagtatago lang sa tila perpektong katawan nito bilang isang babae. Hindi maiwasan hindi mamangha ng taong nag banantay kay Flame habang pinapanood ng mga ito ang ginagawa ng babaeng bihag sa loob. Nang lumapit si Martha napa tigil naman ito dahil sa nakitang katawan ni Flame. “Akala mo ba mananalo ka dito?” Tanong ni Flame bumab
BLAKE SHIN DELA VEGA “Bilisan mo! Pag tayo naabutan ng mga parak papatayin kita!” Pag babanta sa akin ni Oliver. Hindi ako kumibo agad at minaneho ko ang kotse na sinasakyan namin tatlo patungo sa aming hideout. “Salamat naka takas na tayo, nakakatawa ang Flame na ‘yun magugulat siya na ang hina
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nanatili akong walang imik at hindi tumitingin sa gawi ng Mayor ng building 10. “Hindi nga ako officer ang gumawa niyan kay Fred!” Pagtanggi ng Mayor dito sa binibintang na krimen sa kanya. Hindi naman talaga pero i need someone to blame for my wrong did. Par
THUNDER LAVISTRE “Aral kayo mabuti..” naka ngiti kong bilin sa mga bata. Ako na ang ang presinta na ihatid sila sa school. Dahil ang daddy kasi nila maagang pumasok may early morning meeting kasi ito. Plano ko na rin dumalaw kay Flame, alam ko na hindi ito papayagan na mag bail para maka labas.
Higit tatlong na taon na ang lumipas ng simula ng matapos ang laban ni Lilura sa kanyang nakaraan. Ngayon ay ang asawa ni Lilura ang bagong pinuno ng ika apat na hanay ng DCN o ang DeathCore Nation. Ngunit may hindi na naman na inaasahan na nangyari dahil ang ikalimang Hanay ay ngayon hawak na ng







