AYAW NANG TUMUGTOG pa sana ni Fae, ngunit nang marinig niya ang mga salita ni Jago, nakaramdam siya ng pag-agos ng galit sa kanyang dugo. Humigpit ang hawak niya sa gitara at mas pinaingay niya pa ito.In her previous life, dahil sa tingin niya ay masyadong maingay ang gitara niya kaya itinabi niya ang paborito niyang instrumento para lang kay Jago. Ngayon, kung iisipin, hindi nakakapagtaka na tinawag siyang tanga nina Lia at ng mga iba pa. In a fit of pique, sinabayan pa ni Fae iyon ng kanta na hindi niya rin alam kung maganda o sentonado. Nagpasalubong pa iyon ng mga kilay ni Santiago.“Then let's get an annulment, Jago. Pagkatapos noon ay maaari na tayong tumira nang hiwalay. At kahit patugtugin pa ito nang walang sawa at kumanta pa ako buong gabi, hindi kita maaabala pa...” muling hamon ni Fae na walang kakurap-kurap na ang mata.“It seems we can live separately without an annulment,” sagot naman ni Jago, puno ng sarkasmo.
Huling Na-update : 2025-12-23 Magbasa pa