CHRISTOPHERNakatitig lang ako sa mga kamay naming magkahawak, pilit na pinapakalma ang sarili ko kahit parang binibiyak ang dibdib ko sa kaba. Ilang saglit pa ang lumipas bago tuluyang bumukas ang mga pinto ng Intensive Care Unit at lumabas ang doktor."Doc, pwede na ba naming siyang makita?" agad kong tanong habang tumatayo mula sa silya, bakas ang pagod at takot sa mukha ko."Yes, you can see her now, but only for a brief moment," the doctor answered calmly, giving us a gentle, sympathetic nod. "Medyo stable na ang vitals niya pansamantala, pero unconscious pa rin siya. Remember, keep it short and quiet. Do not stress her.""Salamat po, doc," sagot ni Charlotte habang inaalalayan akong humakbang papasok.Pagpasok namin sa silid, parang tinusok ng libong karayom ang puso ko. Si Mama, na kilala ko bilang isang masayahin, masipag, at magandang na babae, ay nakahiga doon na tila walang laban. She looked so frail, so small against the massive white bed. May mga nakakabit na iba't ibang
Última atualização : 2026-10-04 Ler mais