PAULAPagliko ko ay sa wakas ay nakita ko rin si Christopher medyo napasimangot pa ako ng makita na may kasama itong babae pero agad sinabi nito na pinsan niya si Charlotte kaya napangiti ako agad.“Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na narito kami?” sunod sunod na tanong ni Christopher.Tinignan naman ako ng kasama nito saka rin ito ngumiti, “Sino siya?” sabi nito.“Ah, siya si Paula. Kaibigan ko,” sabi ni Christopher.Okay lang naman sa aking kung yun ang pakilala niya dahil totoo naman na wala kaming relasyon pero ang mahalaga ay matikman ko siya.“Nagpunta ako sa inyo, inalam ko kasi kay Vanessa kung saan ka nakatira, tapos sinabi ng kapitbahay ninyo na narito nga kayo sa hospital, okay na ba ang mama mo?” tanong ko.Bumalik ang lungkot ni Christopher saka sinabing hindi pa kailangan niya na maoperahan,” sagot nito.“Umuwi ka muna Chris, ikuha mo ng damit si tita pati na rin yung sa akin, ako na muna ang maiwan dito sa hospital,” sabat ni Charlotte.Akala ko ay di papayag si
Last Updated : 2026-10-10 Read more