"Hindi na ako nakapag isip ng tama. Dahil sa takot ko na baka isumbong talaga niya ako. Na kapag isinumbong niya ako ay ilayo ako sayo nina papa. Kaya pumayag ako ng hindi na nag iisip ng tama. Binigyan niya ako ng gamot at iyon ang nilagay ko sa pinainum ko sayo. Then, aalis na sana ako ng mga oras na iyon dahil ayaw kong makita pa na may aangkinin kang iba maliban sa akin. Ngunit nagbago ang isip ko ng nasa labas na ako ng motel. Kaya bumalik ako at nakasalubong ko nga si Hannah na galit na galit na lumabas ng kwarto na iyon." "Ngunit hindi ko akalain na isusumbong din niya tayo ng araw na iyon. At sa takot ko noon na ilayo nga ako ni papa, gusto kong tumakas sa kanila." "Silly, even if you didn't run that day. Gagawa naman ako ng paraan para huwag ka nilang ilayo sa akin. Kahit na ipagkait ka sa akin ng ama mo, gagawin ko ang lahat para sayo." "Tito Janus..." "Shh, it's okay. Nakaraan na iyon. Kalimutan na natin ang mga hindi magandang nangyari noon. Ang isipin natin ngayon ay k
Last Updated : 2025-12-09 Read more