"We are now in a new generation, kuya Eduardo." pagpapatuloy ko ng hindi na nakasagot si Kuya Eduardo sa haba ng sinabi ko sa kanya. "Mas gugustuhin mo pa ba siyang ipakasal sa iba at mag suffer kasama ang taong hindi niya mahal?" "Papa," doon muling nagsalita si Ivana na nagmamadaling lumapit at yumakap sa akin. "Ivana!" halos sabay na bulalas nina Ate Hannah at kuya Eduardo sa pagyakap niya sa akin. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig. "Anong ibig sabihin nito?" nagtataka ngunit puno ng galit na tanong ni Kuya Eduardo sa kanya. "Kailan ka pa nakakaalala?" "Patawarin mo ako, papa." paghingi niya tawad sa kanyang ama. "Halika dito." akma siya nitong kukunin sa akin ngunit mabilis siyang nagtago sa likod ko. Mahigpit na nakahawak sa braso ko. "Ivana, huwag matigas ang iyong ulo." "Papa, mahal ko si Tito Janus." malakas niyang sabi sa kanyang ama habang nakatago pa rin siya sa likod ko. "Damn it! Alam mo ba ang sinasabi mo?" "Papa, patawarin mo ako. Kahit hindi man bumalik ang
Last Updated : 2025-12-06 Read more