GENIEVA The first day of classes really sucks. Ibang suck naman sana ang ibigay. Nandito kami ngayon sa quadrangle para salubungin ang mga masisipag na mag-aaral. Syempre, hindi ako kasama diyan. Hindi ako huwarang estudyante. Hubaran pwede pa. Landi! Nanglalambot ako sa sobrang katamaran. Mas gusto ko pang nasa bahay habang nakabuntot ng bente-kwatro oras sa tiyuhin ko. Ano na naman kaya ang ginagawa ni Antonio? "May I call upon Ms. Genieva Falcon to share an inspiring message about how she came to this school." Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako o narinig ko talaga ang pangalan ko. Tumingin ako kay Angelina, nakangiti siya habang tinatawag ako gamit ang mga kamay niya. Napatingin ako sa buong paligid, umaasa na hindi ako iyon pero lahat sila ay nakatingin din sa akin. "First day of school, may s****p na agad, tsk," rinig kong sabi ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya, nakapamulsa lang siya at parang hindi interesado sa mga nangyayari. "Excuse me, are you referring to
Last Updated : 2026-07-27 Read more