GENIEVA Buong maghapon ay hindi ako mapakali. Panay tingin ako sa cellphone ko. Hanep talaga to si Uncle, hindi man lang ako tinext o tinawagan. Hindi man lang nagpaalam, nakakainis! "Kanina ka pa wala sa mood, okay ka lang ba?" tanong ni Andrea. Ngumiti lang ako. "May iniisip lang ako," nakangiting sabi ko. "Ano naman 'yun? Gusto mo mag-cut ng klase?" suggestion niya na agad kong tinanguan. Actually, kanina ko pa siya naiiisip na gawin, kumuha lang ako ng tiyempo. "Tara. Habang wala pang sunod na teacher," excited na sabi niya. Mabilis akong tumayo at isinukbit ang bag ko sa likod. Mabilis kaming tumakbo palabas ng pintuan. Ni hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng pagtakas namin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. "Samahan mo naman ako. Ireremit ko lang yung pinagbentahan ko," sabi niya. "Talaga? Nag-aaral ka at the same time nagbebenta?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango. "Pandagdag baon na rin tiyaka tuition. Gusto mo ba? Pw
Last Updated : 2026-10-03 Read more