“Thank you for taking care of Alonzo, Diane. I owe you a lot,” sinserong saad ni Lauren sa sitter ng anak nang ihatid niya ito sa labas ng bahay.Diane has been Alonzo's babysitter for the past six years. Akala niya noong una ay hindi ito magtatagal lalo na't madalas siyang wala sa sariling bahay dahil sa trabaho. But she never heard her complain. Para kasi rito ay hindi mahirap alagaan ang anak niya. Bukod kasi sa hindi ito iyakain, mabait ito at matured kung mag-isip.“Okay lang po, Ate. Nakapag-take out na nga po pala kami ng dinner niyo po. Nag-request po kasi si Alonzo ng Jollibee,” imporma nito sa kaniya suot ng isang magandang ngiting nakasanayan na niya.“Sige, salamat. Ingat ka sa pag-uwi.” Kinawayan niya ito nang magsimula itong maglakad palayo.Nang masigurong nakaalis na ito ay muli siyang pumasok sa loob ng bahay. Naabutaan niya si Alonzo na nasa sofa at nanonood ng paborito nitong cartoon.He looked at her innocently with a subtle smile on his lips. Sa simpleng ngiti lan
Huling Na-update : 2025-12-29 Magbasa pa