“Ang sabi sa akin ni Julie isang buwan daw ang business trip mo? Ang aga mo yatang nakabalik?” pagkausap ni Lauren kay Justine na nakapamulsang pinanonood ang kaniyang anak.Iyon kasi ang sabi ni Megan sa kaniya nang minsan niyang mabanggit ang kuya nito sa gitna nang pag-uusap nilang magkaibigan. Hindi man sila sobrang malapit, masasabi niyang naging kaibigan na rin at kuya ang turing niya rito.Bilang tagapagmana ito ng kompanya, kinailangan nitong lumipad madalas sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ibang bansa para sa mga business meeting nito.“Akala ko kasi mahihirapan akong kumbinsihin ang prospect ko na mag-invest sa company. Mabilis naman kausap kaya nakauwi na rin ako kaagad,” saad nito.Tumatango-tangong inilagay ni LAuren ang mga regalong bigay ng lalaki kasama sa mga gamit niyang dala.“How about you, Lauren? Kumusta naman ang trabaho?” tanong nito pabalik.“Ayos naman,” hindi siruradong tugon niya.Ayos naman talaga iyon ang kaso nag-aalangan siya dahil sa presensya ni
Huling Na-update : 2026-02-12 Magbasa pa