FIRST PERSON's P O V " Samantha! Anong ginagawa mo rito!? Kasama mo ba si Vince!? " Takang tanong ni Vaughn sa akin nang pumasok ako sa loob ng kanyang pribadong opisina kinabukasan, tumingin pa nga siya sa likod ko kung may kasunod akong pumasok " H- Hindi, a- ako lang. Ahm, n- nagdala nga pala ako ng lunch. P- Para hindi ka na lumabas dito sa office mo. " lakas loob kong sambit at itinaas ang dala kong paper bag As usual ay naka upo na naman siya sa swivel chair at abala sa pag pirma sa mga papeles na naka kalat sa kanyang harapan. Napagmasdan ko pa nang napa buga siya ng hangin at binitiwan ang hawak na ballpen. " Alam ko, Sam, ang ibig sabihin nitong ginagawa mo. Please lang, tigilan mo na 'to. Ibaling mo na lang sa kapatid ko ang pag tingin mo, baka matuwa pa ko sa'yo. " pahayag niya habang seryoso ang mukha. " Nakaka batang kapatid lang talaga ang turing ko sa'yo at hanggang doon lang iyon kahit na wala na kami ni Yvonne. " dugtong pa niya Napa lunok naman ako ng law
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-19 Mehr lesen