THIRD PERSON's POV"Ah, basta! Ako ang magiging asawa mo! Sa ayaw at sa gusto mo, Vaughn Matthew!" tiwalang sambit ni Sam na may halong pagbabanta sa harapan ng barkada ng kuya niya, kaya naman mahinang natawa ang mga ito kasama na iyong binatilyong magiging asawa raw niya. "Samantha, doon ka nga sa room mo! Isusumbong kita kila Mommy at Daddy! Ang bata-bata mo pa kung ano-ano na iyang pinagsasasabi mo!" saway naman ni Samuel sa bunsong kapatid na nasa edad sampung taon pa lamang at nasa elementarya, samantalang sila ay nasa disiotso na at pawang mga college students na. "Si Kuya naman e! Dapat nga suportahan mo ko sa pangarap ko! Ayaw mo no'n magiging bayaw mo itong si Vaughn na kaibigan mo naman!?" pumapadyak pa ang mga paang katwiran ni SamKaya natawa na naman ang mga kaibigan ng kanyang kuya na sina Medel, Boogie, Raven at isama pa nga si Vaughn. Busy ang mga ito sa paggawa ng mga school projects kaya nandirito ang mga ito sa bahay nila. "Anong pangarap ang sinasabi mo riyang
Last Updated : 2025-12-17 Read more