Hindi na lang din inintindi ni Kaia ang pagsusungit ni Sir Pedro sa kanya.At kung dumalaw naman ito sa resto, pokerface lang at nilalagpasan lang siya. Hindi na rin niya ito nakikitang nag-iinom. Takot na yatang masuka."Napapadalas na dito si Sir no?" dinig niyang bulong ng kasamaan."Baka may target lang na babae si Sir na laging nasa resto," kinikilig na bulong pabalik ng isa."G*ga, hindi 'yan maggi-girlfriend. May nakita ka na bang kasama niyang babae o ka-date niya? Hindi 'yan nagseseryoso sa babae. Lahat ng babae niyan, sa bar niya nakukuha," sagot pabalik ng isa.Napatango si Kaia kahit hindi siya ang kausap, "Tama. Laruan niya lang sa kama ang mga babae," hindi mapigilang singit niya.Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa, "Bakit mo alam, Kaia?"Hilaw siyang napangiti, "K-asi, ang mga lalaking tulad ni Sir Pedro, kinakama lang ang mga babae—""Ano naman ang tulad kong lalaki, Miss De Los Santos?" biglang tanong ng malamig na boses sa likod niya.Napalunok siya at nanigas s
Read more