"Ayokong magselos nang sobra. At least, kung alam kong girlfriend kita, mapapanatag ako kahit nasa paligid pa si Chef Harvey," paliwanag agad ni Sir Pedro sa kanya.Gusto lalong mangiti ni Kaia. Napaka-defensive kasi nito."Well, if you do not want, then you'll stay here," nagsusungit na kondisyon nito."Okay," agad niyang sagot.Nangunot noo si Pedro, "Okay? Dito ka lang sa bahay?" medyo dismayado ang tono nito.Lalong nangisi si Kaia, "Akala ko po ba gusto niyo kong magpaghinga?" asar niya rito.Napakamot ito sa batok, "Right. Yeah, stay here and take some rest. Huwag ka ng pumasok sa resto at kausapin si Chef Harvey," matabang na bigkas nito.Gusto ng humalakhak ni Kaia. Alam niyang ibang sagot ang gusto nitong marinig."Thank you, Sir. Pinagluto po kita ng chicken soup. Kumain ka na po at pumasok na sa resto," liko na niya sa usapan.Napatango ito at napilitang humiwalay sa kanya. Tumayo ito sa gilid ng mesa habang nagsandok naman siya sa mangkok ng soup.Nilapag niya iyon sa mesa
Read more