Chapter 14Sumama siya pababa dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na papresyo siya. Higit pa ay ang hirap tanggihan ni Scorps. Pansin niya ang kakaibang titig ng mga kasambahay sa kaniya. Namataan niya si Nadine na panay hagikgik. Iniwas niya agad ang kaniyang titig rito. "Prepare the table," sabi ng lalaki.Para namang inasinan na hipon ang mga kasambahay. Nang handa na ang lamesa ay sinamahan siya ni Scorps para kumain. Umupo ang lalaki sa katapat ng inuupuan niya. "Kumain ka na," sabi nito sa kaniya. Tumitig siya sa ibabaw ng lamesa. Para bang may pista dahil sa mga pagkain na mayroon sa lamesa. Kung kanina ay gutom na gutom siya. Ngayon ay sa amoy pa lamang ng mga pagkain ay busog na siya. "Marami pang pagkain, Lyv.""Busog na ako, sir."Luminga sa paligid ang kaniyang amo. The man leaned forward and signaled her to draw closer. "Lyv, I heard, sinabihan ka ng mga kaibigan ko na tawagin kami sa mga pangalan namin, right?"Tumango siya. "Then call me Scorpio, Scorps, or much
Huling Na-update : 2026-01-17 Magbasa pa